top of page
Search

ni Lolet Abania | July 29, 2021



Magbibigay ang gobyerno ng P1,000 hanggang P4,000 cash kada pamilya sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa gitna ng pandemya ng COVID-19.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang nasabing cash aid ay nasa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


“Nariyan na po ang assistance na sinabi ng Pangulo (Rodrigo Duterte); dina-download na po sa LGUs (local government units),” ani Roque.


Ang mga lugar na nasa ECQ mula Hulyo 16 hanggang Agosto 7 ay ang Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro City, at Gingoog City sa Misamis Oriental. “This will be P1,000 per individual, and a maximum of P4,000 per family,” dagdag ni Roque.


Sa ECQ protocol, pinapayagan lamang ang mga essential travel at essential services gaya ng pagkain at medisina na mag-operate.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 6, 2021



Isinusulong ni Marikina 2nd District Representative Stella Luz Quimbo ang ‘household lockdown’ sapagkat mas epektibo umano ito kontra-COVID-19, sa halip na isarado ang ekonomiya sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).


Batay sa panayam sa kongresista ngayong araw, Abril 6, aniya, “'Pag sinabing ECQ, ibig sabihin nu’n, lahat po tayo. Napakamalawakan kahit sa mga lugar na wala namang COVID, magsasara lahat, kaya ang panukala ko po, piliin na lang po natin. ‘Yun na lang pong mga households na may COVID positive, ‘yun na lang po ang i-lockdown natin nang sa ganu'n, puwede pong ipagsabay ang ating layunin na pigilan ang pagkalat ng COVID at the same time, tuluy-tuloy pa rin ang ating ekonomiya.”


Paliwanag pa niya, “Ang estimate d’yan sa kada araw ng ECQ sa greater Metro Manila area, ang nawawala sa atin, P8-B kada araw. Napakabigat po nu’n, so naisip ko po, let’s make it targeted ‘yung lockdown.”


Giit naman ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua ng National Economic and Development Authority (NEDA), “ECQ alone does not reduce the spike in the COVID-19 cases. The solution is to further enhance our implementation of the PDITR strategy with clear targets to achieve. This will help reduce the spike in COVID-19 cases given the new variants.”


Inirekomenda ni Chua ang Prevent, Detect, Isolate, Treat, and Recover (PDITR) strategy upang mabawasan ang paglobo ng COVID-19. Nilinaw din niyang bilyones ang halagang ikinalugi ng bansa simula noong nag-lockdown sa NCR Plus, kung saan tinatayang daang-libong indibidwal ang nawalan ng pagkakakitaan.


“On top of these, the more stringent quarantine in NCR Plus translates to a daily household income loss of P2.1 billion or almost P30 billion for the two-week period. All in all, the two-week ECQ may shave off 0.8 percentage points from the country’s full year economic growth in 2021,” dagdag pa ni Chua.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 5, 2021




Itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang posibilidad na i-extend hanggang tatlong linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus Bubble, batay sa pahayag niya ngayong umaga, Abril 5.


Aniya, “Considering the statement of Secretary Avisado and that Congress is in recess so we will have to request for a special session for a supplemental budget, I don’t think we will have an ECQ for a third week. The model that the DOH is looking at is two weeks of ECQ and another week of MECQ.”


Nilinaw din niyang isang beses lamang maaaring matanggap ang financial assistance na P4,000 kada pamilya at ang P1,000 cash o in-kind goods para sa low-income individuals. Paliwanag pa niya, “Traditional naman po na ang pasok lang naman talaga ay Monday to Tuesday, kaya dalawang araw lang po talaga ang nawala na kita sa ating mamamayan. The P4,000 per family… that will never be enough, but the nature of ayuda is to help pass this period na hindi makakapagtrabaho. ‘Yun na po ‘yun.”


Pinatotohanan naman iyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Bernardo Florece, "Tinanong din natin 'yan kay Secretary Wendel Avisado ng DBM, ang sabi niya, one-time lang ito kasi parang emergency relief assistance lang."


Ngayong araw ay inaasahang matatanggap na ng mga alkalde ang relief funds na inilaan sa kanilang lungsod para ipamahagi sa mga empleyadong naapektuhan ng lockdown.


Sa pagpapatuloy ng ECQ ay inaasahang mababawasan ng mahigit 4,000 ang mga nagpopositibo sa COVID-19 kada araw.


Ayon pa kay Roque, “We expect to reduce the COVID-19 cases by 4,000 a day by May 15.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page