top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 30, 2020




Isa ang patay at marami ang sugatan sa pagyanig ng magnitude 6.4 na lindol sa central Croatia ngayong Martes. Ayon sa GFZ German Research Center for Geosciences, may lalim na 10 km (6 miles) ang naturang lindol at ang epicenter nito ay sa Petrinja, 50 km south ng Croatian capital na Zagreb.


Ayon kay Tomislav Fabijanic, head ng emergency medical services, marami ang sugatan sa Petrinja at Sisak. Aniya, "There are fractures, there are concussions and some had to be operated on.”


Pahayag naman ni Prime Minister Adrej Plenkovic, "We have information that one girl was killed. We have no other information on casualties. "The army is here to help. We will have to move some people from Petrinja because it is unsafe to be here.” Saad naman ni Petrinja Mayor Darinko Dumbovic,


"We are pulling people from the cars, we don’t know if we have dead or injured. "There is general panic, people are looking for their loved ones.” Nagpadala na rin ng mga army sa naturang lugar upang magsagawa ng search and rescue operation.


 
 

ni Thea Janica Teh | December 28, 2020




Walang inaasahang tsunami sa Pilipinas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) matapos tamaan ng magnitude 6.8 na lindol ang Chile ngayong Lunes.


Sa inilabas na Tsunami Information No. 1 ng PHIVOLCS kaninang 5:50 am, sinabi nito na "A strong earthquake with a preliminary magnitude of 6.8 occurred in Off the coast of Central Chile on 28 December 2020 at 05:39 AM (Philippine Standard Time) located at 39.3 oS, 75.0 oW with depth of 10 km."


Batay sa nakalap na datos, walang inaasahang tsunami threat o hindi umano maaapektuhan ang Pilipinas sa nangyaring pagyanig sa Chile.


Naitala ng European Mediterranean Seismological Center (EMSC) na sa Los Lagos, Chile ang sentro ng lindol na may lalim na 10 kilometro.


Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng awtoridad kung ano ang mga nasira at kung may nasugatan sa nangyaring paglindol sa Chile.


 
 

ni Thea Janica Teh | December 22, 2020



Isang Magnitude 4.9 na lindol ang tumama sa Quezon Province nitong Martes nang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Nangyari ang pagyanig kaninang 2:14am sa 20 km northwest sa bayan ng General Nakar at may lalim na 15 km. Naramdaman din ang pagyanig sa ilang kalapit na lugar tulad ng Metro Manila at Rizal.


Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na magkakaroon ng aftershock ngunit hindi makasisira ng ilang istruktura.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page