top of page
Search

ni Lolet Abania | January 20, 2021




Niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang San Juan Province, Argentina kagabi (Lunes).


Ayon sa ulat ng GeoForschungsZentrum (GFZ) German Research Centre for Geosciences, ang lindol ay may lalim na 10 kilometer o 6.21 miles.


Sa report ng US Tsunami Warning System, walang inisyu na tsunami warning matapos ang pagyanig sa naturang lugar.


Gayunpaman, patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang naidulot na pinsala at kung may nasaktan sa naganap na lindol.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 17, 2021




Umakyat na sa 56 ang bilang ng mga nasawi sa naganap na magnitude 6.2 na lindol sa Sulawesi Island, Indonesia at mahigit 800 ang sugatan, ayon sa awtoridad.


Ayon kay National Disaster Mitigation Agency Spokesman Raditya Jati, 47 sa mga nasawi ang narekober mula sa Mamuju, capital ng West Sulawesi Province, at 9 naman ang natagpuan sa Majene.


Tumama ang lindol sa 36 kilometers south ng Mamuju noong Biyernes nang umaga at may lalim na 18.4 km, ayon sa tala ng U.S. Geological Survey. Tinatayang aabot sa 15,000 katao ang inilikas at 400 kabahayan ang gumuho.


Patuloy naman ang pagsasagawa ng search and rescue operations sa mga gumuhong gusali, gayundin ang pamamahagi ng mga relief supplies katulad ng mga tents, ready-to-eat food packages, atbp..


 
 

ni Lolet Abania | January 15, 2021




Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang lalawigan ng West Sulawesi, Indonesia ngayong Biyernes nang umaga, batay sa ulat ng US Geological Survey.


Ayon sa USGS, ang epicenter ng lindol ay nasa 36 kilometro o 22 miles south ng Mamuju, ang kabisera ng West Sulawesi, at may lalim na 18 kilometers.


Wala pang ibinigay na report sa pinsalang naidulot at nasaktan sa nangyaring pagyanig na tumama nitong alas-2:18 ng umaga ngayong Biyernes (18:18 GMT Thursday) sa nasabing lugar.


Tinatayang may 110,000 populasyon sa Mamuju, Indonesia.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page