top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 6, 2021



Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Davao del Sur ngayong Huwebes, alas-2:21 nang hapon, ayon sa tala ng PHIVOLCS.


Naitala ang epicenter ng lindol sa 06.78°N, 125.09°E - 007 kilometers N 69° W ng Magsaysay, Davao Del Sur at ang lalim naman nito ay 020 km.


Naramdaman din ang Intensity V sa Koronadal City, Intensity IV sa Bansalan, Matanao, Hagonoy at Padada, Davao Del Sur; Davao City; Digos City; Kidapawan City; Tupi, South Cotabato, Intensity III sa Lake Sebu at Tampakan, South Cotabato; Antipas, Kabacan, Matalam, M'lang, Cotabato; Columbio at Kalamansig, Sultan Kudarat, at Intensity II sa Pikit Cotabato; Isulan, Sultan Kudarat; Alabel Sarangani; at General Santos City.


Nagbabala rin ang PHIVOLCS sa posibleng aftershocks.


 
 

ni Lolet Abania | April 28, 2021




Niyanig ng 6.0-magnitude na lindol ang Assam sa hilagang-silangang bahagi ng India ngayong Miyerkules nang umaga.


Naitala ang malakas na lindol bilang isang relatively shallow depth o may katamtaman ang lalim na 29 kilometers (18 miles) ng 0221 GMT, ayon sa US Geological Survey.


Nasa hilaga ng Dhekiajuli, bayan ng isang tea-growing district sa hilagang bahagi ng Assam ang sentro ng pagyanig. Ilang mga gusali ang napinsala subalit wala pang naitalang nasawi o nasaktan matapos ang lindol.


Ayon sa mga residente ng state capital na Guwahati, tinatayang 150 kilometers (95 miles) sa bahaging timog, matinding niyanig ang mga gusali na nag-iwan ng mga cracks sa mga pader nito, habang marami pang aftershocks ang kanilang naramdaman.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 11, 2021




Patay ang 7 katao matapos tumama ang magnitude 6 na lindol sa Java island, Indonesia noong Sabado nang hapon, ayon sa National Disaster Mitigation Agency.


May lalim na 82 kilometers (50 miles), 45 kilometers southwest ng Malang city, East Java ang naturang lindol at tinatayang aabot sa daan-daang kabahayan ang nasira gayundin ang ilang gusali kabilang na ang mga paaralan, government offices, at mosque sa rehiyon.


Pahayag ni National Disaster Mitigation Agency Spokesman Raditya Jati, "Our latest data shows that seven people died, two are seriously injured and 10 others sustained minor injuries."


Samantala wala namang ibinabang tsunami warning sa naturang bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page