- BULGAR
- Aug 15, 2021
ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 15, 2021

Umabot sa mahigit 300 katao ang nasawi at daan-daan ang sugatan at mayroon ding mga naiulat na nawawala matapos tumama ang magnitude 7.2 na lindol sa southwestern Haiti noong Sabado.
Ayon sa tala ng United States Geological Survey, ang magnitude 7.2 na lindol ay tumama sa 8 km (5 miles) mula sa bayan ng Petit Trou de Nippes na may lalim na 10 km at sinundan pa ito ng mga aftershocks.
Naramdaman din ang pagyanig sa Cuba at Jamaica. Ayon sa Haiti Civil Protection service, kumpirmadong umabot sa 304 ang bilang ng mga nasawi at nasa 1,800 ang sugatan.
Patuloy namang nagsasagawa ng rescue operations sa mga gumuhong gusali kabilang na ang aabot sa 949 kabahayang nasira. Idineklara naman ni Prime Minister Ariel Henry ang “month-long state of emergency” dahil sa insidente.






