top of page
Search

ni Lolet Abania | January 22, 2022



Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang malayong baybayin ng Sarangani sa Davao Occidental ngayong Sabado ng umaga, batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Ayon sa PHIVOLCS, alas-10:26 ng umaga, naitalang tectonic ang pagyanig habang ang epicenter nito ay nasa 03.27°N, 126.67°E - 275 km S 30° E ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental.


Gayundin, ang lindol ay may lalim na 33 kilometers.


Naramdam ang pagyanig sa mga lugar na may intensities gaya ng Sarangani, Davao Occidental na Intensity III at Lebak, Sultan Kudarat na Intensity I.


Wala namang naitalang pinsala sa lugar subalit posibleng magkaroon ng mga aftershocks, pahayag ng ahensiya.


Ayon pa sa PHIVOLCS, wala ring inaasahang tsunami sa lugar.


“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” batay sa advisory ng PHIVOLCS.


Sa inisyal na report ng PHIVOLCS, ang lindol ay nakapagtala ng magnitude 6.5 sa Sarangani, Davao Occidental, subalit ni-revised din nila ito sa magnitude 6.1.


Una rito, nakapagtala naman ang PHIVOLCS ng magnitude 5.4 na lindol sa Baganga town sa Davao Oriental ng alas-4:43 madaling-araw ngayon ding Sabado.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 22, 2022



Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Baganga, Davao Oriental nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol bandang 4:43 a.m 15 kilometro timog-silangan ng Baganga at may lalim na 102 kilometro.


Naitala ng Phivolcs ang sumusunod na mga intensity:


Intensity IV – Baganga and Caraga, Davao Oriental; Maco, Davao de Oro

Intensity III – Mawab and Monkayo, Davao de Oro; Lupon, Manay and San Isidro, Davao Oriental; Bislig City, Surigao del Sur; Rosario, Agusan del Sur


Samantala, naitala rin ang Instrumental Intensity I sa Bislig City, Surigao del Sur.


Asahan din ang aftershocks, ayon sa Phivolcs.

 
 

ni Lolet Abania | December 21, 2021



Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Occidental Mindoro ngayong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Batay sa earthquake bulletin ng PHIVOLCS, ang epicenter ng lindol, kung saan naganap ng alas-12:08 ng tanghali ay nasa layong 15 kilometers northeast ng Sablayan, Occidental Mindoro.


Naitalang tectonic ang pagyanig na may lalim na 15 kilometers. Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang Intensity IV sa Sablayan at Rizal, Occidental Mindoro; Intensity III sa Abra De Ilog, Santa Cruz at Calintaan, Occidental Mindoro; Calapan City at Bansud, Oriental Mindoro; Intensity II sa Makati City; Batangas City; Baco, Oriental Mindoro; Intensity I sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; Tingloy, Batangas.


Sinabi rin ng PHIVOLCS, asahan na ang aftershocks at posibleng pinsala matapos ang lindol

 
 
RECOMMENDED
bottom of page