top of page
Search

ni MC - @Sports | July 30, 2022


ree


Nakuha ng Lyceum of the Philippines University ang korona ng kampeonato sa Collegiate Center for Esports Mobile Legends: Bang Bang tournament nang patalsikin ang San Sebastian College - Recoletos sa Grand Finals, 2-0, na idinaos sa SM Mall of Asia Music Hall noong Huwebes.


Unang sumampa sa grand finals spot ang Lyceum nang ilagay ang SSCR sa lower bracket finals kung saan nakalaban ng Stags ang wax-hot College of St. Benilde squad.


Nang matalo ng Stags ang Benilde ay sumampa ito sa huling Grand Finals squad, naging dominante muli ang Pirates sa dalawang straight games upang masungkit ang titulo.


Nang maabot ng Lyceum ang match point sa Game 1, naging dikit ang bakbakan ng San Sebastian kontra Pirates sa Game 2.


Pero nakalamang sila laban sa Stags sa loob ng 17 minuto, at doon na sumurender ang SSC upang ganap na makuha ang CCE title. Tatapusin ng San Sebastian ang torneo sa 2nd place habang nalagay sa 3rd ang Benilde.


Unang naging dominante ang Lyceum sa Group Stages at maging top-seeded team sa kabuuan ng liga, nakapagwagi ng siyam na straight games upang makuha ang playoffs spot.

 
 

ni Gerard Arce - @Sports | July 19, 2022


ree


Tila maging ang online gamers o Esports professional athletes ay nagsimula na ring sumunod sa yapak ng ibang mga pro-ballers ng bansa ng mapili ni dating Onic gold laner Jaylord “Hate” Gonzales na maglaro sa ibang bansa.


Makokonsiderang kauna-unahang Pinoy Mobile Legends: Bang Bang import si Gonzales na lalaro para sa Malaysia, upang maging ikalawang manlalarong Pinoy na naglaro para sa ibang bansa matapos mauna ng lumipat ang dating kakampi nitong si Kairi “Kairi” Rayosdelsol sa Onic Indonesia nitong kaagahan ng Hulyo.


Tutulong si Gonzales sa kampanya ng Team SMG sa MPL-Malaysia Season 8 champions sa local league nito sa Season 10 kasama si Lu Khai “Sasa” Bean. Kasama si Gonzales sa koponang tumapos ng ikalawang puwesto sa M3 Grand Finals ng MLBB World Championships sa Singapore na nabigo kontra sa kapwa Pinoy team na Blacklist International.


Hindi naging matagumpay ang kampanya ng Onic PH sa nagdaang season 9 ng MLBB Pro-league sa bansa ng magtapos lang sa 4th place ang grupo nito. Ilan sa mga kakampo nito sa Onic PH ay napapabalitaan na ring susubok na maglaro sa ibang bansa, partikular na sa Indonesia, na siyang matinding karibal ng Pilipinas sa MLBB.

 
 

ni MC - @Sports | July 5, 2022



ree

Gumawa ng malaking kasaysayan si Kairi “Kairi” Rayosdelsol matapos maging unang E-Sport Pinoy import ng Mobile Legend (ML).


Sa kanyang paglipat mula sa Onic PH patungo sa Onic Esports, iniukit ni Kairi ang kanyang IGN sa mga talaan ng kasaysayan ng MPL nang siya ang naging unang import na Pinoy para sa dayuhang Mobile Legends squad.

Ang jungler (nawawala ang kanyang signature shock ng blonde hair) ay ipinakilala sa isang press conference na pinangunahan ng Onic Indonesia, kasama si coach Denver “Yeb” Miranda.


Habang si Kairi ang unang Pinoy pro player na nakuha ng isang Indonesian team, hindi kakaiba ang kaso ni Yeb. Dati, nagkaroon ng stint si Coach Francis “Duckeyyy” Glindro sa Evos Legends bago bumalik sa Pilipinas para alagaan ang Bren Esports sa kanilang ginintuang edad.


Magkahalo naman ang naging reaksyon ng mga netize kaugnay sa isyu.


Samantala, nagbabalik laro si Michele Gumabao para sa Creamline sa pagsabak ng koponan sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference.


Nagbalik sa paglalaro sa Cool Smashers si Gumabao matapos ang bigong pagkandidato nito sa isang pwesto sa House of Representatives na may party list na Mothers for Change (Mocha).


Nakapasok ang 29-anyos na opposite hitter sa Open Conference. Huli siyang naglaro para sa Creamline noong 2021 Open Conference sa Bacarra kung saan bumagsak ang Cool Smashers kay Chery Tiggo sa finals.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page