top of page
Search

ni Ejeerah L. Miralles-OJT @Sports | April 4, 2023



ree

Nanatiling nasa tuktok ng play-off set ang Echo matapos lagariin sa dikdikang labanan ang Nexplay Evos, 1-2, sa Mobile Legends Professional League Philippines (MPL PH) Season 11 noong Linggo, Abril 2.


Natapos ang 3rd at last game nang ma-secure ng Echo ang lahat ng objective ng laro at pumangibabaw sa mahigpit na depensa ng NXPE. Inagaw ng Echo ang 4th lord mula sa NXPE, dahilan upang tuluyang ma-wipe out ang NXPE at masalakay ang base nito. Pasok sa pangalawang puwesto sa playoff ang kasalukuyang M4 Champions na koponang ECHO matapos makamit ang 24 pts. Matatandaan na mula Week 1, halos lampasuhin ng ECHO ang ibang koponan at tanging napilayan lamang laban sa Onic PH noong February 25 (1-2), Smart Omega noong March 10 (2-1), Blacklist International noong March 17 (2-1), at Bren Esports noong March 18 (2-1).


Samantala, nagwagi naman ang champion ng dalawang previous ang Black International kontra RSG Slate PH. Mula drafting phase ay banned sa paggamit ng anti-Ube heroes ang Blacklist gaya nina Kaja at Franco, habang kinuha ng RSG ang mga key meta heroes gaya nina Wanwan, Joy at Diggie. Gayunman, naging mahaba at madugo ang labanan ng dalawang koponan sa huling 7 minuto ng laro dahil sa organisadong paraan at hawak na heroes ng Blacklist. Nang masabat ang dalawang lords ng RSG ay humina ang depensa nito, dito na tuluyang nasalakay ng Blacklist ang base nito na nagpawagi sa koponan. Pumapangatlo ang Blacklist sa playoff seat ng MPL PH sa puntos na 23.


Mapapanood ang unang dalawang laro sa Week 8 sa April 14, na pinangungunahan ng Bren Esports kontra Blacklist International, 4 p.m. at Smart Omega laban Echo ng 6:30 p.m.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | January 19, 2023



ree

Sasalangin ang pinakamahuhusay na koponan at manlalaro ng Mobile Legends: Bang Bang sa bansa na kinabibilangan ng M4 World Champions na ECHO Philippines at runner-up Blacklist International upang katawanin ang Pilipinas upang maging parte ng SIBOL national team para sa 32nd edisyon ng SEA games simula Mayo 5-17 sa Phnom Penh, Cambodia.


Inaanyayahan ng SIBOL at national sports association (NSA) nitong Philippine Esports Organization (PEsO) ang dalawang bigating koponan kasama ang kinatawan galing sa Collegiate Center for Esports na back-to-back champions Lyceum of the Philippines University at 2022 Realme Cup titlist Cerebrum Pro, upang magkaroon ng bigating National Seletion na makakatapat ang apat na iba pang koponan na magmumula sa Cambodia SIBOL MLBB men’s qualifier na kasalukuyang ginaganap ang single elimination round patungo sa semis.


Magtatapat sa Round 4 ang Bren Esports at Smart Omega Neos; Euphoria Esports laban sa Archives Esports; Big Four Global kontra Speed Depot; at ONIC Proud kaharap ang ZOL Esports.


Tangan ng Pilipinas ang back-to-back na titulo sa SEAG nang unang kunin ito noong 2019 sa Manila meet at madepensahan ng SIBOL, na kinatawan ng Blacklist sa Vietnam Games noong Mayo 2022, ngayon ay magkakaroon ng malupit na pagpili sa bisa ng National Selection sa walong koponan mula sa mga imbitado at semifinalist’s ng qualifier. “Hindi pa. Lahat daraan sa Qualifier which includes ECHO PH at Blacklist International. Though some teams, imbes na sa open qualifiers, kasali na sila sa closed qualifier if they accept the invitation. This will be decided by Team SIBOL management,” pahayag ni PESO secretary-general Joebert Yu. “Generally speaking naman, lahat may chance pa rin makasama at magrepresent,” dagdag ni Yu. Bukod sa popular na MLBB sa men’s team ay magkakaroon na rin ito ng koponan para sa women’s team.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | January 17, 2023


ree

Pagkakataon naman ng ECHO Ph na manaig bilang panibagong kampeon ng Mobile Legends: Bang Bang M4 World Championships upang maging ikatlong sunod na Filipinong koponan na manaig sa prestihiyosong online gaming matapos madaling walisin ang dating kampeon na Blacklist International sa iskor na 4-0, Linggo ng gabi sa Tennis Indoor, Senayan, Indonesia.


Tinapos ng ECHO Ph ang isang taong paghahari ng Blacklist sa pinakamataas na estado ng kompetisyon sa buong mundo at maibulsa ang $300,000 o mahigit sa Php16.4- M pangunahing papremyo sa kabuuang $800,000 na ipinamigay sa malakasang torneo, habang nauwi ng dating defending champion na Blacklist ang $120,000 bilang 2nd placer.


Naitala ni Karl “KarlTzy” Nepomuceno ang kauna-unahang manlalaro ng ML:BB na naging two-time World champion matapos makuha ang unang titulo sa Bren Esports noong 2021 sa Singapore, kung saan sila ang unang koponang Pinoy na nagkampeon sa kompetisyon na sinundan ng Blacklist International noong isang taon.


Nakasama ni Nepomuceno sa koponan sina Frederick Benedict “Bennyqt” Gonzales, Jankurt Russel “KurtTzy” Matira, Frediemar “3MarTzy” Serafico, Tristan “YAWI” Cabrera, Jaypee “JAYPEE” Dela Cruz, Sanford “Sanford” Vinuya at Jhonville Borres “Outplayed” Villar, habang susubukang makabawi ng Codebreakers sa susunod na edisyon na binubuo nina team captain Johnmar "OhMyV33nus" Villaluna, Danerie James “Wise” del Rosario, Kiel "Oheb" Soriano, Salic "Hadji" Imam at at Edward Jay “Edward” Dapadap, Kent Xavier “Kevier” Lopez, Mark Jayson “Eson” Gerardo, at Dexter Louise “DEXTER” Alaba.


Inanunsyo rin ang pagtatalaga sa Pilipinas bilang susunod na host country ng M5 World Championships sa Disyembre ngayong taon, kung saan minsan ng hinawakan ng bansa ang isang pandaigdigang ML:BB tourney na MSC 2019 sa Araneta Coliseum na pinagharian ng Onic Esports; na sinundan ng makasaysayang 30th SEA Games nang talunin ng SIBOL ang Indonesia.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page