top of page
Search

ni Gerard Arce - @Sports | February 03, 2022


ree


Kakatawanin ng M3 World champions Blacklist International ang Pilipinas bilang parte ng Sibol national team sa E-sport event na Mobile Legends: Bang Bang sa 31st Southeast Asian Games matapos pataubin ang Nexplay EVOS sa qualifying tournament.


Ipinamalas ng Blacklist ang matibay na eksperyensya at magandang plays para ilatag ang 4-1 panalo sa rookie-laden team na Nexplay sa pangunguna nina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna, Salic “Hadji” Imam, Danerie James “Wise” Del Rosario, Howard “Owl” Gonzales, at Kyle Dominic “DOMINIC” Sotto, habang mahusay na pagpili at desisyon ng mga coaches na sina Kristoffer “Bon Chan” Ricaplaza at Aniel “Master the Basics” Jiandani. Hindi nakasali ang mga regular members na sina MLBB World champion MVP Keil “OHEB” Soriano at EXP-laner Edward “EDWARD” Jay Dapadap dahil pinagbawalan pang makasali ang wala pang edad 18.


Noong 2019 SEAG sa bansa ay binuo ang Sibol national team nina Angelo Arcangel, Jeniel Bata-anon, Allan Castromayor Jr., Karl Nepomuceno, Carlito Ribo, Jason Torculas, at Kenneth Villa na nagwagi ng ginto nang talunin ang Indonesia sa final round.


Gayunpaman, kahit na nanaig ang two-time MPL champion ay aminadong nahirapan ang grupo lalo pa’t malaki umano ang na-improve ng Nexplay EVOS sa mga rookie nitong sina Raniel “URESHIII” Logronio, Mariusz “Donut” Tan at Kenneth “CADENZA” Castro.

 
 

ni MC - @Sports | January 22, 2022



ree


Inilahad ng National esports team Sibol na may mga imbitadong teams para sa Phase 2 ng Crossfire selection ng 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Vietnam sa Mayo.


Ang Execration at Pacific Macta Infirma ang kumpirmadong teams, ayon sa anunsiyo ng Sibol. Makakasama ng Execration sina Aries Lloyd "ARSVV" Alde, Guillermo "CHA" Garica, Justine "Jamero" Jamero, Justine Reige "Justine" Perez, at Zarren Donn "Zarren" Perez.


Habang ang Pacific Macta, ay makaka-field sina Dennis "PM_ZDD" Ramos Jr., Aldrin Paul "PM_Aldrin" Borabon, John Kenneth "PM_zYK" Alde, Matthew "PM_EL1" Arnaez, at Christian "PM_Revenge" Amorea.


Ang CrossFire ay isa sa siyam na titulo na lalaruin sa SEA Games sa Hanoi. Ang first-person shooter game, na tinaguriang world's most-played video game by player count, ay popular na titulo sa Asya, lalo na sa China at South Korea kung saan unang ini-release dito ang game.


Ang Filipino contingents na esports ay sasabak para sa tatlong titles -- Mobile Legends: Bang Bang, Crossfire, at League of Legends: Wild Rift (men's and women's division).


 
 

ni MC / Gerard Arce - @Sports | January 12, 2022



ree


Nadagdag sa listahan ng mga magpapahinga sina Mobile Legends: Bang Bang veterans Joshwell Christian "Iy4knu" Manaog at Adrian “Toshi” Bacallo at hindi muna eeksena sa kompetisyon sa ML:BB Professional League -Season 9.


Unang inanunsiyo ni Toshi ng TNC Pro Team na hindi muna siya maglalaro kasunod na naisin ding makapahinga nina Blacklist duo Johnmar "OhMyV33nus" Villaluna at Danerie James "Wise" Del Rosario at hindi lalahok sa MPL Season 9.


"This, after posting a photo with the words "good game, well played," makaraan ang isang araw.


"Adrian G. Bacallo a.k.a. Toshi will rest and will not participate this upcoming MPL-PH Season 9. Thank you to the ones who believed, who supported to him throughout his career," aniya sa kanyang Facebook page sa isang statement.


Matagal nang player si Toshi ng Smart Omega bago lumahok sa TNC Pro Team noong Season 8.


Lunes ng tanghali inanunsiyo ng RSG Philippines ang pamamahinga ni Iy4knu's at sa Season 10 na lamang maglalaro ang gold laner. "He is still part of RSG Philippines but will be inactive. RSG respects this and fully supports his decision," saad ng RSG Philippines sa isang statement.


Ang long-time player ng Onic PH, si Iy4knu ay lumipat sa RSG Philippines saMPL Season 8, at naging bahagi ng Onic PH squad na nakapasok sa M1 World Championships.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page