top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 4, 2021


ree

Muling binatikos ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga naging pahayag nito kaugnay sa sigalot sa West Philippine Sea (WPS).


Kinontra ni Carpio ang naging pahayag ni P-Duterte na wala siyang ipinangakong pagbawi sa West Philippine Sea (WPS) sa China nang kumandidato siya sa pagka-pangulo noong 2016.


Ayon kay Carpio, noong 2016 presidential debate, idineklara ni P-Duterte na magdye-jet ski siya sa Scarborough Shoal kung saan itatayo niya ang bandila ng Pilipinas.


Sa public address ni P-Duterte noong Lunes nang gabi, aniya, “I never, never in my campaign as president, promised the people that I would retake the West Philippine Sea. I did not promise that I would pressure China. I never mentioned about China and the Philippines in my campaign because that was a very serious matter.”


Samantala, sa televised debate noong 2016, saad ni P-Duterte, “Pupunta ako sa China. ‘Pag ayaw nila, then I will ask the Navy to bring me to the nearest boundary diyan sa Spratlys, Scarborough. Bababa ako, sasakay ako ng jet ski, dala-dala ko 'yung flag ng Filipino at pupunta ako roon sa airport nila, tapos itanim ko. Then I would say, ‘This is ours and do what you want with me. Bahala na kayo.’”


Saad pa ni Carpio, "President Duterte cannot now say that he never discussed or mentioned the West Philippine Sea issue when he was campaigning for President.


"Otherwise, he would be admitting that he was fooling the Filipino people big time."


"There is a term for that— grand estafa or grand larceny. Making a false promise to get 16 million votes.”


 
 

ni Lolet Abania | February 22, 2021



ree


Hindi isasailalim ang buong bansa sa maluwag na klasipikasyon na modified general community quarantine (MGCQ) hanggang walang pagbabakuna ng COVID-19 na nagaganap.


Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, Jr. na mas matimbang kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kalusugan at kaligtasan ng publiko kesa sa ekonomiya ng bansa.


"President Rodrigo Roa Duterte gave his directive to the Cabinet that the Philippines would not be placed under modified general community quarantine unless there is a rollout of vaccines," ani Roque sa pagpupulong ngayong Lunes nang gabi.


"The Chief Executive recognizes the importance of reopening the economy and its impact on people's livelihoods. However, the President gives higher premium to public health and safety," dagdag ng kalihim.


Ayon kay Roque, nais ng Pangulo na simulan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa lalong madaling panahon upang aniya, maisailalim na ang bansa sa maluwag na community quarantine.


Matatandaang sinabi rin ni Senator Bong Go na naniniwala si P-Duterte na ang pagsasailalim sa MGCQ ay hindi makabubuti ngayon sa bansa. "No vaccine rollout, no MGCQ muna -- PRRD," ani Go sa isang interview.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 5, 2021


ree


Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang taas-singil ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa mga miyembro nito, ayon kay Senator Christopher “Bong” Go.


Pahayag ni Go, “Ipina-defer na muna (ni President Duterte ang) increase sa PhilHealth (contribution).”


Aniya pa, “Base sa usapan namin ni Pangulong Duterte, sang-ayon naman po siya na ipagpaliban pansamantala ang pagtaas sa rates ng contributions ng PhilHealth habang may pandemya pa tayong kinakaharap.


“Sinabi niya na kung may maipapasang batas ang lehislatibo na naglalayong ipatupad ang deferment, o kung may kailangang aprubahan na dagdag na pondo mula sa gobyerno para hindi maantala ang serbisyo ng PhilHealth, pipirmahan niya ito pagkatapos mapag-aralan nang mabuti.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page