top of page
Search

ni Angela Fernando @News | May 17, 2024


Binuksan ng komite ng karapatang pantao ng House of Representatives ang isang pagdinig hinggil sa extrajudicial killings (EJK) sa panahon ng war on drugs sa ilalim ng administrasyong Duterte na nasa pamumuno ng dating Presidente Rodrigo Roa Duterte.


Ini-schedule ang pagsisiyasat dalawang araw bago magtapos ang ikalawang regular na sesyon ng 19th Congress sa Mayo 24.


Sinabi ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na siyang nangunguna sa komite sa karapatang pantao ng Kamara, na itinakda ang pagsisiyasat sa Mayo 22 at ang mga opisyal ng nakaraang administrasyon ay imbitado.


Samantala, nilinaw din ni Abente Jr. na hindi nila nakikita ang rason upang bigyan ng subpoena ang dating Presidente at si Senador Ronald dela Rosa.


Ayon sa Manila Rep., hindi nila inaasahan ang pagdalo ng dalawa sa imbestigasyon para sa EJK.


Iginiit din nitong magiging patas ang pagsusuri at kinakailangan ito dahil marami sa biktima ng EJK ay puro alegadong user at dealer ng ipinagbabawal na gamot.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 29, 2024




Inakusahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes na gumagamit umano ang dating pangulong Rodrigo Duterte ng fentanyl.


“I think it’s the fentanyl. Fentanyl is the strongest painkiller you can buy. It is highly addictive, and it has very serious side effects, and PRRD has been taking the drug for a very long time now,” sabi ni Marcos sa Pasay.


Noong Linggo, matatandaang sinabi ni Duterte na umano’y nasa government drugs watch list si Marcos.


Tumawa naman si Marcos nang tanungin kung gumagamit siya ng ilegal na droga, at sinabi na hindi niya ito sasagutin nang may dignidad.


 
 

ni Lolet Abania | May 5, 2022



Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Lieutenant General Vicente Danao, Jr. bilang officer in charge ng Philippine National Police (PNP), ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ngayong Huwebes.


“Yes that’s true,” ani Año sa isang mensahe sa GMA News nang tanungin ito para kumpirmahin ang tungkol sa pagtatalaga kay Danao bilang PNP OIC.


Papalitan ni Danao si Police General Dionardo Carlos, na nakatakdang magretiro sa Mayo 8, 2022, isang araw bago ang national at local elections.


Sa ilalim ng Article 7 Section 15 ng Constitution, ang pangulo ay maaari lamang mag-atas o order ng temporary appointments sa loob ng 60 araw bago ang national elections.


Si Carlos ay na-appoint bilang PNP chief, ang ika-7 sa ilalim ng Duterte administration, noong Nobyembre 12, 2021.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page