top of page
Search

ni Lolet Abania | April 21, 2022


ree

Nananatiling tapat si Pangulong Rodrigo Duterte sa pangako, sa kabila na dalawang buwan na lamang ang natitira sa kanyang termino, nang pagkakaroon ng “genuine” land reform o tunay na reporma sa lupa sa bansa.


Ito ang naging tugon ng Malacañang, matapos na himukin ni presidential candidate at labor leader Leody De Guzman ang mga awtoridad na gawing mapatigil ang laganap na land-grabbing sa bansa, lalo na sa apektadong mga komunidad ng indigenous people (IP).


Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, ang gobyerno ay nakapagpamahagi na ng mahigit sa 229,000 ektarya ng agricultural land mula Hulyo 2018 hanggang Mayo ng nakaraang taon, kung saan nabenepisyuhan ang mahigit sa 166,000 katao.


May kabuuang 57 ancestral domain titles naman ang naisyu sa 257,000 indigenous people mula 2016 hanggang Hunyo ng nakaraang taon.


“We therefore assure our people, including Ka Leody de Guzman, that our efforts to provide lands to landless farmers will continue until the end of the President’s term,” sabi ni Andanar sa isang statement ngayong Huwebes.


Matatandaan nitong Martes, si De Guzman at kanyang grupo ay nasangkot sa isang shooting incident sa Bukidnon, habang tinatalakay ng mga ito ang tungkol sa mga isyu ng land-grabbing kasama ang mga local tribe.


“Kasama sa laban para sa mas makataong lipunan ang pagsusulong ng panlipunang kaunlaran na kung saan walang napag-iiwanan,” saad ni De Guzman sa hiwalay na statement.

 
 

ni Lolet Abania | September 27, 2021


ree

Nagpositibo si Davao City Representative Paolo Duterte sa test sa COVID-19. Ito ang kinumpirma ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte ngayong Lunes.


Gayunman, hindi pa makapagbigay ng ibang detalye si Mayor Sara sa kondisyon ni Rep. Duterte dahil sa hindi pa nito nakakausap ang kapatid.

 
 

ni Lolet Abania | June 9, 2021



ree

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang problema at nararanasang matinding trapiko sa EDSA ay nalutas na. “Ang traffic sa EDSA maluwag na,” ani Pangulong Duterte sa isang interview ni Pastor Apollo Quiboloy sa SMNI News kagabi.


“But early on sa administration ko, it was a crisis. So, ang mga advise nina Tugade, ‘yung mga bright boys ko, sabi nila, manghiram tayo ng pera. We can maybe adopt an MRT or somewhere paakyat. Pero basta we need money,” saad ng Pangulo.


“Ito ngayon, sa taas, kita mo, ito na lang ang ibinuhos ko, ‘yung mga grant-grant, doon ko ibinuhos ‘yung pera. Ngayon, maluwag na ‘yung traffic ng Maynila. Talagang if you go to Cubao, airport, it’s about 15 minutes,” dagdag niya.


Ang pagkumpleto sa kabuuang 18-kilometer stretch ng Metro Manila Skyway Stage 3 project, kung saan nag-uugnay sa northern at southern portion ng Metro Manila, ang siyang nagpaluwag sa daloy ng trapiko sa EDSA at nagdulot ng kabawasan sa oras ng pagbibiyahe ng mga motorista sa loob ng end points nito mula sa nagsisiksikang populasyon sa metropolis.


Matatandaang inaprubahan ang proyekto noong September, 2013 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Aquino III. Inianunsiyo naman ng conglomerate San Miguel Corp., ang private developer ng proyekto, ang completion nito noong October, 2020, habang opisyal na binuksan ang skyway nitong January, 2021.


Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), matapos na buksan ang Metro Manila Skyway Stage 3, ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA ay naging maayos na.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page