top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 13, 2023




Maingay na pinag-uusapan ngayon ang kumakalat na mugshot ng social media personality na si Jam Magno sa ‘X’ matapos na kusang sumuko sa mga pulisya sa Butuan City.


Kilalang tagasuporta ni dating Presidente Rodrigo Duterte si Magno kaya ganu'n na lang siya pinag-uusapan sa mga posts ng netizens.


Ngiting-ngiti pa si Magno sa kanyang mugshot na ikinaloka ng madla. Nakalagay sa hawak nito ang kasong “psychological violence,” na violation sa ilalim ng mas kilalang “An Act Defining Violence Against Women and Their Children.”


Nagtaka nga ang mga Mosang sa socmed kung bakit at sino ang nagsampa ng kaso sa social media personality, hanggang kumalat ang usap-usapan na kabit diumano si Magno kaya sinampahan ng kaso.


Hindi naman sinubukang takasan ni Jam ang kanyang kaso at sa halip ay ipinagmalaki pa nito ang kanyang mugshot sa kanyang Facebook account na “Jessica Ann Mancao Magno.”


Sey nga niya, all-smiles siya dahil hindi naman siya guilty sa kinaharap na kaso.

Nilinaw pa nitong isinuko niya ang sarili sa Butuan City Police Station 4 kasama ang pamilya at ang kanyang abogado.


Agad din siyang nakapagpiyansa na umabot sa ₱72K.


Pinasalamatan pa nito ang mga awtoridad sa Station 4 dahil nagkaroon daw siya ng isang “wonderful experience” at nagustuhan niya ito.


Hindi naman nagbigay ng detalye si Magno patungkol sa hinarap na kaso.

 
 

ni Lolet Abania | April 27, 2022



Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11699, na nagdedeklara ng Agosto 30 bilang National Press Freedom Day, ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar ngayong Miyerkules.


Sa Palace briefing, sinabi ni Andanar na ang pagdiriwang ay bilang pagbibigay-parangal sa ama ng Philippine Journalism na si Marcelo H. Del Pilar na isinilang sa parehong petsa noong 1850.


Ang National Press Freedom Day ay magiging isang working holiday.


Sa gagawing pag-obserba sa okasyon, lahat ng ahensiya ng gobyerno, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), government-owned and controlled corporations, local government units (LGUs) gayundin ang private sector, ay inaatasang maglaan ng oras para sa kanilang mga empleyado para makilahok sa anumang kaugnay na aktibidad na isasagawa sa loob ng kani-kanilang mga opisina.


Nagbigay din ng direktiba sa mga concerned agencies at media organizations na pamunuan ang mga public at private educational institutions sa pag-organisa ng mga aktibidad na magpapataas ng kamalayan sa kahalagahan ng press, kanilang mga karapatan, at social responsibilities, kabilang na ang mga impormasyon hinggil sa eliminasyon ng lahat ng uri ng karahasan laban sa press.


 
 

ni Lolet Abania | May 25, 2021



Muling ipagpapaliban sa ikalawang beses ngayong Martes ang regular public address ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Malacañang.


Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, si Pangulong Duterte at kanyang delegasyon ay kababalik lamang sa Manila mula sa isang Regional Peace Council meeting sa Dumaguete City na ginanap nu'ng Lunes nang hapon.


“Talk to the People will be moved tomorrow. Nakauwi na kami galing Dumaguete, ala-una na. Medyo puyat po lahat, including ang mga tao sa OP [Office of the President],” ani Roque sa isang Palace briefing ngayong Martes.


“Kaya sa Wednesday ang Talk to the People,” dagdag ni Roque.


Karaniwan nang isinasagawa ang public address ni P-Duterte tuwing Lunes ng gabi, subalit ito ay na-postpone dahil sa pulong nito sa Dumaguete.


Matatandaang noong May 17 sa naganap na Talk to the People, nakasama ni Pangulong Duterte si Senate President Juan Ponce Enrile na 97-anyos na, bilang kanyang guest upang talakayin ang isyu sa West Philippine Sea.


Dahil sa naging mga pag-uusap at mahabang paliwanag ni Enrile, tumagal ang taped address ng Pangulo kung saan ipinalabas ito at hinati sa dalawang bahagi.


Ang part 1 ay noong May 17 ng gabi at ang part 2 ay May 18 naman ng tanghali.


Sa kabila ng patuloy na pananatili ng mga Chinese sa paligid ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas na nasa West Philippine Sea, sinusuportahan ni Enrile ang posisyon ni P-Duterte na hindi dapat kalabanin ang China.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page