top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 2, 2021




Pinapayagan nang muling magbukas ang mga sinehan simula sa ika-5 ng Marso, alinsunod sa kautusan ng Department of Trade and Industry.


Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, dahan-dahang papayagan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang ilang negosyo na inilipat bilang category 3 mula sa category 4, katulad ng driving schools, sinehan at museums.


Aniya, sa ilalim ng GCQ ay pinapayagan nang mag-operate sa maximum na 25% capacity ang mga tradisyunal na sinehan habang 50% capacity sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ.


Samantala, ang mga social event naman ay pinapayagan hanggang 30% capacity sa ilalim ng GCQ at 50% sa MGCQ areas.


Pinapayagan na ring i-operate hanggang 50% capacity ang mga library, museum, cultural centers, meeting at conventions, limited tourist attractions, at videogame arcades na nasa GCQ at 75% sa mga nasa MGCQ areas.


Dagdag pa niya, ito ang magsisilbing gabay sa pagbubukas ng ilang negosyo na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).


Matapos mailathala at maihain sa UP Law Center ay magiging epektibo na ang bagong memorandum.


 
 

ni Lolet Abania | February 3, 2021




Ipinahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang mga plastic straws para sa mga softdrink at coffee stirrers ay posibleng ipagbawal na sa bansa.


Sa isang statement, sinabi ng DENR na ang mga produktong ito ay nakabilang na sa listahan ng non-environmentally acceptable products (NEAP) na pinag-aralan ng National Solid Waste Management Commission.


Sa ilalim ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000 o Republic Act 9003, anumang items na nakabilang sa listahan ng NEAP ay ipagbabawal, ayon sa itinatakda ng Commission.


"I am elated that after 20 years since the birth of RA 9003, the NEAP listing has now commenced,” sabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda.


“This is long overdue and we need to catch up with the demand of solid waste management in our country,” sabi pa ni Antiporda.


Ayon sa DENR, ang resolusyon ay pinasa sa kabila ng mga oposisyon mula sa ilang miyembro ng commission gaya ng Department of Trade and Industry (DTI), at ang mga sektor ng manufacturing at recycling industries.


“We have long been fighting for and we are committed in having a NEAP list to comply with the law to combat environmental damage,” saad ni Antiporda.


"The prohibition on these two single-use plastic items may be small steps in the NEAP listing, but it is a big leap when it comes to compliance with the provisions of RA 9003," dagdag ng kalihim.

 
 

ni Lolet Abania | December 9, 2020




Sumailalim na sa full isolation si Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez matapos na magpositibo sa COVID-19 test.


Sa isang statement ngayong Miyerkules, sinabi ni Lopez na sumailalim siya sa test noong weekend matapos na ma-expose sa isang indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 noong December 2.


"Am asymptomatic naman but am on full isolation already," sabi ni Lopez subali't hindi na siya nagbigay pa ng detalye.


Si Lopez ang ika-apat na Cabinet official na tinamaan ng COVID-19. Ang mga nagpositibo sa test sa COVID-19 ay sina Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones at Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar, gayunman, lahat sila ay nakarekober na.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page