top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 15, 2021



Umabot sa 1.5 million ang nawalan ng hanapbuhay sa ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) noong nakalipas na dalawang linggo sa NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).


Dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19, noong March 29 hanggang April 11, ibinaba ang ECQ.


Pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez, "Base sa talaan ng mga labor force, iyong mga sectors na sarado noong ECQ, may mga 1.5 million estimate kami na na-displace, nawalan ng hanapbuhay.”


Nang luwagan ng pamahalaan ang quarantine classification sa modified ECQ, ayon kay Lopez, 500,000 ang nakabalik sa trabaho.


Aniya pa, “Therefore, meron pa tayong mga 1 million na inaasahan nating makakabalik [ng trabaho], hopefully ‘pag nag-GCQ tayo.”


Samantala, nananatili pa ring ipinagbabawal ang dine-in services, operasyon ng mga amusement parks, internet cafes, at personal care salons.


Epektibo ang MECQ sa NCR Plus hanggang sa April 30.



 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 15, 2021



Tinatayang aabot sa P180 billion ang nawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa ipinatupad na dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ), ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).


Pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez, “Doon sa nawala sa ekonomiya, ang estimate po for the two weeks ay around 1 percent ng ating GDP. ‘Yung 1 percent na ‘yon, kung tayo ay may GDP ng mga P18 trillion, 1 percent ay P180 billion po ang estimate na nawala sa ating ekonomiya.”


Isinailalim sa ECQ ang NCR Plus o ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal simula noong March 29 hanggang April 11 kung saan ipinagbawal ang operasyon ng ilang establisimyento at noong April 12, ipinatupad ang mas maluwag na quarantine classification na modified ECQ.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 18, 2021




Nagpositibo muli sa COVID-19 si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, ayon sa ipinarating niyang text message ngayong umaga, Marso 18.


Aniya, “I regret to inform you I tested positive again. Got the result just this morning. I am asymptomatic. I will have another test later to confirm. Hoping false positive.”


Kilala si Lopez sa mga adbokasiya niya pagdating sa ekonomiya at isa rin siya sa mga namamahala hinggil sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa kabila ng patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa.


“Been wearing a mask and shield and distancing outside home but still got hit,” dagdag pa niya. Nauna nang iniulat na nagpositibo rin sa naturang virus sina Interior Secretary Eduardo Año, Education Secretary Leonor Briones at Public Works Secretary Mark Villar, na pare-parehong magaling na.


Sa ngayon ay isinasailalim na si Lopez sa isolation. Matatandaang Disyembre noong nakaraang taon nang una siyang magpositibo sa virus.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page