top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Mervin Reyes @News | July 19, 2026



DTI: Wala pang taas-presyo sa bilihin

Photo: File DTI



Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala pang pagtaas sa presyo ng basic necessities at prime commodities sa kabila ng inaasahang malaking pagtaas sa presyo ng langis sa susunod na linggo dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.


Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, wala pang manufacturer na naghahain ng petisyon para sa price increase.


“For the increase, wala pa namang humihingi ng price increase sa atin. So for now there's still no price increase.”


“Wala pang nag-apply,” dagdag niya.


Binigyang-diin din ni Roque na mas mabuting hintayin muna ang magiging epekto ng sitwasyon bago magbigay ng anumang pagtataya.

“It's really best for us to just wait first,” aniya.



 
 

ni Lulet Abania @Business News | April 17, 2026



DTI


‘There’s no need to panic’


Ipinahayag ng Department of Trade and Industry ngayong Biyernes, April 17 na walang pagtaas ng presyo para sa mga pangunahing bilihin sa mga major groceries at supermarket sa buong bansa hanggang Mayo 10, 2026.


Ayon kay DTI Secretary Cristina Roque, sumang-ayon ang mga manufacturer at retailer na ihinto ang anumang mark-up hanggang sa unang bahagi ng susunod na buwan, kasunod ng kamakailang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.


Ginawa ni Roque ang anunsyo sa isang supermarket inspection sa Muntinlupa City, kung saan napag-alaman niyang ang mga presyo ng mga basic goods ay sumusunod o mas mababa pa sa suggested retail price (SRP) ng ahensya.


Aniya, “For the price cap, there’s no need for the basic necessities because we still are able to keep the prices stable up to May 10… There’s always a request (to increase prices) pero nakakaintindi rin naman ‘yung manufacturers ng needs ng mga consumers.”


Tiniyak din ni Roque sa publiko na walang panganib at hindi dapat mag-alala na magkaroon ng food shortage o kakulangan sa pagkain.


“There is enough supply so again there’s no need for them to panic, there’s no need to hoard,” saad pa ni Roque.

 
 

ni BRT @News | April 9, 2026



Commission on Higher Education (CHED)

Photo: File / Department of Trade and Industry (DTI)



Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon na walang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang sa katapusan ng Abril.


Ito ay matapos sumang-ayon ang mga manufacturer na palawigin ang kanilang voluntary price hold mula sa naunang deadline na Abril 16 patungong Abril 30.


“Last week, the announcement was only until April 16, but we met with the manufacturers last Monday, and they agreed to maintain no price increase until April 30. Maybe they also want to do their share to help and assist consumers,” ayon kay Trade Secretary Cristina Roque sa Kapihan sa Manila Bay.


Dagdag pa ng kalihim, posibleng nakatulong din ang sapat na imbentaryo ng mga produkto sa mga supermarket kaya hindi pa agad nararamdaman ang epekto ng taas-presyo sa logistika.


Ang nasabing price hold ay sumasaklaw sa 205 produkto na nasa listahan ng DTI stockkeeping unit.


Kabilang sa basic necessities at prime commodities ang mga de-lata, tinapay, bottled water, kandila at sabon panlaba.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page