top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 3, 2022



Pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko sa mga nagpapakilala umanong DSWD personnel upang makapag-recruit sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Batay sa report na natanggap ng ahensiya, may ilan katao umano na nakasuot ng pulang DSWD vest ang nag-iikot at pinapangakuan ang ilang mga indibidwal na mapapabilang ang mga ito sa ongoing recruitment ng naturang programa ng pamahalaan.


Kaugnay nito, ang modus umano ng mga nagpapakilalang DSWD staff ay kukunin ang personal na impormasyon at cash card account numbers ng mga biktima.


Paglilinaw ng DSWD, wala umanong ongoing registration para sa karagdagang 4Ps beneficiaries ang ahensiya at tanging mga maralitang kasambahayan na kasalukuyan nang nasa listahan ng kanilang database ang mga kuwalipikadong 4Ps beneficiaries.


Gayundin, wala rin anilang ipinakalat na mga tauhan ang DSWD para mangolekta ng mga cash card accounts dahil ito ay itinuturing na confidential information ng mga benepisyaryo.


Giit ng ahensiya, maging mapagmatyag ang publiko sa mga scammers at modus-operandi na may kinalaman sa mga pinansiyal na suportang ipinagkakaloob ng pamahalaan.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 24, 2022



In-exempt ng Commission on Elections (Comelec) ang Office of the Vice President (OVP) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa election ban on public spending para sa mga imprastraktura at iba pang proyekto.


Sa kanilang weekly meeting nitong Miyerkules, inaprubahan ng Comelec commissioners ang request ni Vice President Leni Robredo, isang presidential aspirant, na ipagpatuloy ang kanyang pandemic relief projects sa buong election campaign period mula March 25 hanggang Election Day sa May 9.


Sinabi rin ni Commissioner George Garcia na inaprubahan din nila ang petisyon ng DSWD na maging exempted sa election spending ban.


Ang pandemic response projects ni VP Robredo ay nasuspinde mula Feb. 4 mula nang magsimula ang spending ban.


Nagpasalamat naman ang OVP sa Comelec sa pagpayag nito na ipagpatuloy ang kanilang pandemic response at livelihood programs sa kasagsagan ng campaign period.


Sa isang pahayag, sinabi ng spokesperson ni Robredo na si Barry Gutierrez na ang naturang permission “will ensure that Angat Buhay projects which have helped hundreds of thousands of Filipinos in the past six years can continue to bring hope to communities all over the Philippines.”


Nang magsimula ang campaign season, sinuspinde ng OVP ang implementation ng mobile antigen testing, e-consultation services at iba pang livelihood programs para sa mahihirap, bilang pagsunod sa Omnibus Election Code.


Nag-offer ang OVP ng libreng telemedicine consultations para sa mga pasyente. Ang Vaccine Express program nito ay nakapag-administer ng bakuna para sa mga indibidwal na hindi makapagpabakuna sa mga government vaccination sites. Ang Swab Cab program naman ay naghandog ng libreng antigen testing sa iba’t ibang lugar sa bansa.


Sinabi naman ni Irene Dumlao, spokesperson ng DSWD, na magkokomento sila hinggil sa Comelec resolution kapag nakatanggap na ng kopya nito.


Ayon kay Garcia, nag-apruba rin ang Comelec ng mga katulad na petisyon na ipinasa ng mga government agencies at iba pang local government units, pero nag-deny din ng iba.

 
 

ni Lolet Abania | February 2, 2022



Inamin ng isang opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang nakalaang P500 social pension para sa mga indigent senior citizens ay talagang mababa.


Sa briefing ngayong Miyerkules ng House special committee on North Luzon growth quadrangle, naitanong ni Pangasinan Rep. Christopher de Venecia ang tungkol sa updates para sa social pension na ibinibigay sa mga indigent senior citizens, gayundin ang coverage rate ng mga kwalipikadong benepisyaryo.


Kahit na inamin na ang halaga para sa mga indigent senior citizens ay totoong mababa, ipinaliwanag ni DSWD assistant bureau director Maricel Deloria na hindi ibig sabihin nito na ang P500 ang magko-cover sa lahat ng pangangailangan ng indigent senior citizens.


“The current rate of P500 pension for our target beneficiaries is not enough to cover the minimum daily requirement of all our target beneficiaries, however, the P500 stipend is intended only to augment. It does not intend to address or provide funds or cover the minimum requirements of our target beneficiaries,” sabi ni Deloria.


Ayon kay Deloria, pinag-aaralan at ini-evaluate na ng ahensiya ang naturang programa para sa mga indigent social citizens, at aniya, sinusuportahan ng DSWD ang naturang measures habang nanawagan na rin ng karagdagan para sa kanilang pensyon.


Dagdag ng opisyal, binackup-an na rin nila ang panukala na ipamahagi ng monthly basis o buwanan ang mga stipend. Una nang sinabi ng DSWD na ang stipend ay ipapamahagi ng kada tatlong buwan.


Matatandaan noong Agosto 2021, inaprubahan na ng House of Representatives sa huling pagbasa ang isang proposed measure na layon na dagdagan ang mga social pensions ng mga indigent senior citizens at gawing P1,000.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page