top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 5, 2021




Timbog ang tatlong tulak sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kung saan mahigit P680,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa Recto Avenue, Maynila ang nasabat kahapon, Marso 4.



Ayon sa ulat, taga-Makati at Caloocan City ang mga suspek na dumadayo pa umano sa ibang bayan para lamang magbenta ng shabu.


Kasong Illegal Drugs Selling at Possession of Dangerous Drugs ang haharapin ng tatlo.


 
 

ni Lolet Abania | March 2, 2021





Umabot sa 99 marijuana bricks at isang bote ng marijuana oil na tinatayang nagkakahalaga ng P12 milyon ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa umano'y natalong pulitiko sa Tadian, Mountain Province.


Kinilala ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na si Rexton Bangang. Ayon sa PDEA, posibleng ginamit ng suspek ang drug money para masiguro ang kanyang posisyon sa gobyerno.


Tumakbong councilor si Bangang noong 2019 local elections subalit natalo ito.


Nagsagawa ang PDEA ng 3-buwang surveillance kay Bangang, na sinasabi rin umanong supplier ng isang sindikato.


"Ito ay dinala at ibiniyahe ng isang masasabi natin na malaking tao doon sa Tadian, Mountain Province," ani PDEA-Cordillera Director Gil Castro. Gayunman, tumangging magbigay ng pahayag si Bangang tungkol dito.


 
 

ni Twincle Esquierdo | December 12, 2020



Arestado ang dalawa sa ginawang buy-bust operation sa Valenzuela City. Kinilala ang mga suspek na sina Ernesto Magalang Francisco at Genelyn dela Torre Mararac.


Nakuha sa kanila ng Valenzuela City Police sa Barangay Ugong ang 1.5 kilograms na pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P10 milyon, cash bills, digital weighing scale, cellphone, relo at ilang pirasong alahas.


Ayon naman sa Station Drug Enforcenment Unit operatives, P10.2 milyong Standard Drug Price (SDP) ang halaga ng shabu na nakuha sa mga suspek. Inamin din ng mga ito na isa silang key player ng mga droga na nakikipagtransaksiyon sa Manila.


Dadalhin naman sa Northern Police District's Crime Laboratory ang mga droga na nakuha, pati na rin ang ibang gamit para sa imbentaryo, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) acting chief Police Brigadier General Vicente Danao Jr..


 
 
RECOMMENDED
bottom of page