top of page
Search

ni Lolet Abania | May 19, 2021




Magiging mabilis na ang biyahe ng mga motorista sa dalawang pangunahing business centers mula sa dating isang oras ay magiging limang minuto na lang kapag natapos na ang proyektong Bonifacio Global City-Ortigas Center Link Road, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.


Ito ang naging pahayag ni Villar, kasabay ng kanyang anunsiyo na ang link road project ay bahagyang bubuksan sa pagdiriwang ng bansa ng Independence Day sa Hunyo 12.



“We are connecting two cities, we are connecting two major centers. Kung dati, ang biyahe, puwedeng umabot nang isang oras, baka mga 5 minutes na lang from Ortigas to Makati or Taguig,” ani Villar sa isang interview ngayong Miyerkules.


Ayon sa kalihim, bahagi ito ng plano ng pamahalaan para maibsan ang matinding trapiko sa EDSA kaya isinagawa ang road project. Aniya, asahan na mababawasan ang traffic sa EDSA ng 20% hanggang 25%. Gayundin, ang traffic sa C5 ay mababawasan ng 10% kapag tapos na tapos na ang proyekto.


“We plan to open the main span by Independence Day that is June 12. Once finished, it will significantly decongest EDSA,” sabi ni Villar. Ang 1.367-kilometer Bonifacio Global City-Ortigas Center Link Road project ay bahagi ng proyekto ng Metro Manila Logistics Network na layong mabawasan ang tinatawag na one-hour-long drive sa pagitan ng BGC at Ortigas business districts ng 12 minutong biyahe lamang.


Target din aniya na makumpleto nang husto ang buong proyekto sa September 2021, kung saan mas madali na ang pagbibiyahe at pagpunta sa mga lungsod gaya ng Pasig, Mandaluyong, Taguig at Makati habang maiiwasan pa ng mga motorista ang masikip na daloy ng trapiko sa EDSA at C-5.


Ayon pa kay Villar, ang Estrella-Pantaleon bridge naman ay madaraanan na rin ilang linggo matapos ang pagbubukas ng BGC-Ortigas Link.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 22, 2021




Isa ang patay, habang 8 ang sugatan nang sumalpok ang 6-wheeler truck ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Patrick Bridge ng Sitio Yapang, Barangay Bagong Buhay Sablayan, Occidental Mindoro nitong Miyerkules nang hapon.


Ayon sa Sablayan Municipal Police Station, papunta sa bayan ng Mamburao ang trak, subalit nawalan ito ng preno habang binabagtas ang pababang bahagi ng kalsada kaya bumangga sa tulay. Dulot ng malakas na pagtama kaya tumilapon sa bangin ang mga nakasakay dito.


Kaagad namang isinugod sa San Sebastian District Hospital, Sta. Cruz Community Hospital at Occidental Mindoro Provincial Hospital ang mga biktima, subalit idineklarang dead on arrival na si Sonny Mulingbayan.


Samantala, sugatan naman ang 8 kasama nito, kabilang ang drayber na si Von Barrera.


Matatandaang labing-siyam na katao ang iniulat na nasawi sa naturang tulay matapos mahulog ang Dimple Star bus nu’ng 2018.


Sa ngayon ay kabilang na ang Patrick Bridge sa mga accident prone area.


 
 

by Meralco - @Brand Zone | February 4, 2021





Bilang suporta sa gobyerno at sa pribadong sektor sa laban kontra COVID-19, pinailawan ng Meralco ang bagong treatment center na ipinatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ito ay matatagpuan sa C4 Road, Barangay Tanong, Malabon City.


Bahagi ng proyektong ito ay ang paglalagay ng bagong pasilidad na paglalagyan ng metro, pagtatayo ng apat na konkretong poste, at paglalagay ng dalawang 75-kVa na distribution transformer.


Ang ginamit na materyales sa tatlong (3) haba ng wire na ikinabit sa pagitan ng apat na poste ay overhead conductor na may balot. Kaugnay ng nasabing proyekto ay naglipat din ang Meralco ng isang pasilidad ng elevated metering center (EMC) at distribution transformer.


Gaya sa iba pang naunang treatment center para sa COVID-19, sinisiguro ng Meralco ang maaasahang supply ng koryente para rito. Sa kasalukuyan, nasa 90 na ang bilang ng mga pasilidad para sa COVID-19 na pinailawan ng Meralco.


Kabilang dito ay mga ahensya ng gobyerno, mga pampubliko at mga pribadong ospital, laboratoryong ginagamit sa testing, pasilidad para sa quarantine, at mga treatment center.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page