top of page
Search

ni Lolet Abania | March 29, 2022


ree

Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa Philippine Ports Authority (PPA) na palawigin nito ang waiver kaugnay ng koleksyon ng mga terminal fees sa mga seaports na pinatatakbo ng gobyerno upang mabawasan ang gastos sa operasyon ng mga shipping companies sa gitna ng pagtaas sa presyo ng langis.


“Meron akong in-issue na instruction kahapon na tapusin sa lalong madaling panahon ‘yung waiver ng P500 terminal fee,” pahayag ni Tugade sa mga reporters sa isang press conference ngayong Martes.


Ayon kay Tugade, sinabi sa kanya ni PPA general manager Jay Santiago na ang waiver ng P500 terminal fee sa mga seaports ay nag-expired na.


“Sabi ko makiusap sa board mo na i-extend mo ng dalawa o tatlong buwan pa para nang sa ganu’n ay makatulong tayo sa shipowners,” saad ni Tugade.


“I hope maaksyunan na by this time,” dagdag ng opisyal.


Paliwanag ni Tugade na ang pagwi-waive ng koleksyon ng P500 terminal fee ay maaaring makabawas ng gastos sa operasyon ng mga shipping firms ng 20%.


Bukod sa tinatawag na waiving ng mga terminal fees, binanggit din ng opisyal ang posibilidad ng pagbibigay ng fuel subsidies para naman sa maritime sector.


“Kung merong subsidiya sa road, tingnan kung mayroon tayong maibibigay na subsidiya sa maritime,” sabi pa ni Tugade.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 28, 2022


ree

Mas malamig at mas mabilis na tren ang mararanasan ng mga commuter sa unang araw ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong Lunes, March 28.


Nauna nang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang month-long na libreng sakay sa inagurasyon ng MRT-3 rehabilitation project.


“Today, passengers enjoy cooler, aside from faster MRT-3 rides as all train cars have also been installed with new and 100% functioning air conditioning units,” ayon sa pahayag ng MRT-3 management.


“The FREE RIDE program of MRT-3 is launched with this objective of showcasing the improved services of the rail line, in order to gain back the public confidence in our mass transportation system,” dagdag nito.


Magtatagal ang libreng sakay hanggang April 30, na naglalayong makabawas sa gastusin sa mga pasahero sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga pangunahing bilihin.


Samantala, idineploy na ng MRT-3 ang kauna-unahang four-car train set nito na kayang magsakay hanggang 1,576 na pasahero, ngayong Lunes.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 28, 2022


ree

Idineploy na ngayong araw ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang first-ever four-car train set nito.


Bago pa man ito, tanging mga three-car train sets lamang ang bumubuo sa MRT-3 line.


Ang mga four-car train sets ay mag-o-operate tuwing peak hours sa umaga at hapon, tuwing weekdays, ayon sa MRT-3 management.


“MRT-3 made history again after it [successfully] deployed a 4-car CKD train set on its revenue line for the first time ever today, 28 March 2022, at the opening of the line’s month-long FREE RIDE program,” ayon sa pahayag nito.


Ang isang four-car train set ay kayang magsakay hanggang 1,576 pasahero.


Sinabi naman ni MRT-3 officer in charge General Manager Michael Capati na kayang mag-deploy ng train line ng 18 hanggang 22 trains tuwing peak hours mula sa dating 10 hanghang 15 train sets bago ang rehabilitasyon nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page