top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 11, 2021



Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals No. 4 sa Batanes at northeastern portion of Babuyan Islands dahil pa rin sa Bagyong #KikoPH.


Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) No. 4 sa mga sumusunod na lugar:


* Batanes

* northeastern portion of Babuyan Islands (Babuyan Is.)


Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) No. 3:


* northwestern and southeastern portions of Babuyan Islands (Panuitan Is., Calayan Is., Camiguin Is., Pamuktan Is., Didicas Is.)


Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) No. 2:


* northern portion of mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Sanchez-Mira, Pamplona, Ballesteros, Abulug, Camalaniugan, Aparri, Claveria, Santa Praxedes)


Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) No. 1:


* Cagayan

* the northern portion of Ilocos Norte (Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi, Nueva Era, Piddig, Solsona, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, San Nicolas, Sarrat, Dingras, Pagudpud)

* Apayao

* the northern portion of Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, City of Tabuk, Rizal)

* the northeastern portion of Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)

* the northern portion of Isabela (Divilacan, Ilagan City, Quirino, Quezon, Mallig, Tumauini, Maconacon, San Pablo, Cabagan, Delfin Albano, Santo Tomas, Santa Maria)


Asahan ang patuloy na pag-ulan sa iba’t ibang panig ng bansa.


Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat sa posibleng landslide at flash floods.

 
 

ni Lolet Abania | September 5, 2021



Dalawang low pressure area (LPA) ang namataan sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Linggo, ayon sa PAGASA. Sa 24-oras na forecast ng PAGASA, ang isa sa LPAs ay nasa layong190 kilometro kanluran timog-kanluran ng Basco, Batanes ng alas-3:00 ng hapon, habang ang isa pang LPA ay nasa layong 465 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.


Ayon sa PAGASA, madudulot ang LPA ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pagbuhos ng ulan at thunderstorms sa buong Eastern Visayas, Caraga, Batanes at Babuyan Islands.


Samantala, ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang pulo-pulong pag-ulan sanhi ng localized thunderstorms.


Paalala ng PAGASA ang mga apektadong residente na paghandaan ang posibleng flash floods o landslides habang nakararanas ng matinding thunderstorms. Gayundin, mahina hanggang sa katamtamang bugso ng hangin at bahagya hanggang sa katamtamang coastal water conditions ang mararanasan sa buong bansa.

 
 

ni Lolet Abania | June 27, 2021




Posibleng sa susunod na buwan mailabas ang paunang resulta ng pag-aaral sa mga herbal medicines ng Pilipinas na lagundi at virgin coconut oil bilang potensiyal na gamot para sa mga pasyenteng may COVID-19.


“'Yung VCO at lagundi, malapit na po siguro, by next month, baka mayroong preliminary analyses kung anong sinasabi ng datos ng pag-aaral na ito,” sabi ni Dr. Jaime Montoya, director ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development sa interview ngayong Linggo nang umaga.


Matatandaang sinabi ni DOST Chief Fortunato Dela Peña na ang clinical studies para sa paggamit ng VCO kontra-COVID-19 ay makukumpleto sa pagtatapos ng June habang ang clinical trials para naman sa lagundi ay nagsimula noong October ng nakaraang taon.


Ayon sa DOST, nakumpleto ang Phase 2 ng clinical trials para sa VCO noong November habang ang completion ng hospital-based clinical trials para rito ay dapat sanang matapos noong May 31.


Subalit, ayon kay Montoya, naghihintay naman ng maraming volunteers na nais lumahok sa pag-aaral sa clinical trials para sa herbal plant na tawa-tawa na panlaban sa COVID-19.


“'Yung tawa-tawa po, medyo hindi ganoon kabilis ‘yung pagkukuha ng lalahok kasi ito ay boluntaryo, so ito, matatagalan pa nang kaunti,” saad ni Montoya.


Noong 2020, sinabi ng DOST na pinag-iisipan nilang gamitin ang tawa-tawa upang madagdagan ang treatment sa mga pasyenteng infected ng COVID-19.


Noong November, ibinunyag naman ni Montoya na isinagawa na ang Phase 1 clinical trials para sa tawa-tawa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page