top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 21, 20244




Sumali ang libu-libong Israeli sa protesta laban sa Prime Minister na si Benjamin Netanyahu.


Ipinanawagan din nila sa protesta ang bagong eleksyon at inihirit ang mas aktibong aksyon mula sa gobyerno para mapauwi ang mga bihag sa Gaza.


Matatandaang patuloy ang mga isinasagawang protesta habang ang digmaan sa Gaza ay patuloy pa rin sa pagtaas ang tensyon dahil sa lumalaking galit sa paraan ng pamamahala ng gobyerno sa kaso ng 133 Israeli hostages na nasa kamay ng militanteng grupong Hamas.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 19, 20244




Pinaalis ng hukom na nangangasiwa sa kaso ng dating Pangulo ng United States (US) na si Donald Trump ang dalawang mga jurors nu'ng Huwebes.


Ito ay matapos matukoy na itinatago ng isa sa dalawang naalis na mga jurors ang kanilang naunang pagkakasangkot sa batas na hindi binigyang-linaw ng hukom na si Juan Merchan kung ano ang naging tunay na dahilan sa pagkakaalis nito sa nasabing puwesto.


Inalis din ni Merchan ang isa pa matapos nitong matakot nang maisapubliko ang ilang personal na impormasyon patungkol sa kanyang pagiging parte ng mga jurors.


Matapos maalis ang dalawang mga jurors, kasalukuyang may limang tao na ang napili bilang parte ng jury na binubuo ng 12 miyembro at anim na posibleng pumalit.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 15, 2024




Pinayagan ng dating Pangulong Donald Trump ang kampanya ng Central Intelligence Agency laban sa China na lihim na ipakalat ang katotohanan sa mga Chinese social media na may layong baguhin ang opinyon ng publiko patungkol sa kanilang pamahalaan.


Ito ay kinumpirma ng mga former United States (US) officials na may direktang kaalaman sa mga highly classified na operasyon.


Ibinahagi ng tatlong dating opisyal sa Reuters na bumuo ang CIA ng isang maliit na grupo ng mga operatiba na gumamit ng mga pekeng pagkakakilanlan sa internet upang ikalat ang negatibong kwento tungkol sa pamahalaan ni Xi Jinping.


Matatandaang sa nagdaang dekada, mabilis na pinalawak ng China ang kanilang global na presensya, pinalakas ang mga militar na kasunduan, mga kilos pangkalakalan, at ang kanilang pakikipag-ugnayan sa negosyo sa mga maunlad na bansa.


Ayon sa mga source na lumapit sa Reuters, itinaguyod ng grupo ng CIA ang mga akusasyon na ang mga miyembro ng naghaharing Communist Party ay nagtatago ng mga nakaw na pera sa ibang bansa.


Dagdag pa, tinawag ng CIA na korap at walang pakinabang ang Belt and Road Initiative ng China, na nagbibigay ng pondo para sa mga proyektong pang-imprastruktura sa mga umuunlad na bansa.


Bagaman tumanggi ang mga opisyal ng US na magbigay ng partikular na detalye ng mga operasyong ito, sinabi nila na ang mga nakasisirang kwento ay batay sa katotohanan kahit na lihim itong inilabas ng mga operatiba ng CIA.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page