top of page
Search

ni Lolet Abania | January 20, 2022


ree

Pinag-iisipan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibilidad na payagan ang mga workplaces o mga lugar na pinagtatrabahuhan bilang vaccination sites, para mas maging madali sa mga empleyado na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 na maturukan ng vaccine.


“Opo, tinitingnan din natin ito. Gawin nating mas accessible ‘yung mga bakuna sa mga manggagawa,” ani DOLE Undersecretary Benjo Santos Benavidez sa Laging Handa briefing ngayong Huwebes.


Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na pitong pharmacies at clinics sa National Capital Region (NCR) ang pinayagan ng gobyerno na mag-administer ng primary doses at booster shots sa gitna ng COVID-19 surge sa bansa.


Tinawag ang programa na “Resbakuna sa mga Botika”, kung saan target na makapagbakuna ng 3,500 shots sa kanilang pilot run na nagsimula na ngayong araw, Enero 20 hanggang 21.


“Ang alam ko ngayon nga ay merong pilot implementation na ang pagbabakuna ay nasa mga piling mga botika na. Sana ‘yung pagbabakuna ay ituloy-tuloy na rin sa mga pagawaan,” sabi ni Benavidez.


Aniya, ang mga nakibahaging mga botika at clinics sa Metro Manila sa nasabing programa ay The Generics Pharmacy, Generika Drugstore, Mercury Drug, Southstar Drug, Watsons, Healthway, at QualiMed Clinic.


Ayon kay Benavidez, ito ay bilang konsiderasyon sa naging usapin hinggil sa “no vaccination, no ride” policy na ipinatupad ng gobyerno, kung saan nagbabawal sa mga unvaccinated individuals na sumakay sa mga pampublikong transportasyon na sinimulan noong Lunes, Enero 17.


Gayunman, matapos ang hinaing ng publiko, nilinaw ng mga opisyal ng gobyerno nitong Martes na exempted ang lahat ng workforce o mga manggagawa mula sa naturang polisiya dahil sa pagbibigay ng mga ito ng kanilang essential services.

 
 

ni Lolet Abania | January 19, 2022


ree

Nasa tinatayang 11,500 workers mula sa inaasahang 100,000 nito, ang nawalan ng trabaho simula nang ipatupad ang Alert Level 3 sa maraming lugar sa bansa, batay sa report ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Miyerkules.


Sa isang interview kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, sinabi nito na inihahanda na nila ang pagbibigay ng financial assistance sa mga nawalan ng hanapbuhay sa Metro Manila at iba pang lugar na isinailalim sa Alert Level 3 sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases.


“Although the estimate that there would be at least 100,000 to 200,000 workers that will be displaced because of the Alert Level 3, our experience, and I’m very happy to note, na as of yesterday, ang na-displace lang na workers because of Alert Level 3 ay 11,500 plus,” ani Bello.


Bukod sa bilang na ito, mayroon din aniyang tinatayang 20,000 workers naman na nabawasan ang kanilang working hours sa ilalim ng tinatawag na flexible working arrangement.


“Dahil nabawasan ang working hours nila, nabawasan ang kanilang kita, but the status of their employment is secured,” paliwanag ng kalihim.


Una nang sinabi ni Bello na ang DOLE ay naglaan ng P1 bilyon bilang antisipasyon sa posibilidad na ilang mga manggagawa ang pansamantalang ma-terminate o mabawasan ang kanilang working hours dahil sa mas mahigpit na quarantine status.


Aniya, aabot sa tig-P5,000 ang ibibigay na ayuda sa posibleng 100,000 hanggang 200,000 na displaced workers sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).


Sa kasalukuyan, ang National Capital Region (NCR) at tinatayang 50 iba pang lugar ay isinailalim sa Alert Level 3 hanggang sa katapusan ng buwan.


Sa ilalim ng Alert Level 3, maraming establisimyento ang pinapayagang mag-operate ng 30% indoor venue capacity subalit eksklusibo ito para sa mga fully vaccinated individuals, at 50% outdoor venue capacity naman, basta ang mga empleyado ay fully vaccinated na.


Ang trabaho naman sa mga opisina ng gobyerno ay limitado rin sa 60% ng kanilang onsite capacity.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 4, 2021


ree

Sa unang pagkakataon mula nang magkaroon ng pandemya ay magkakaroon ng limited face-to-face job application ang Department of Labor and Employment (DOLE).


Nasa 8,000 trabaho ang iaalok sa nationwide job fair ng sa susunod na linggo.


Para sa mga nais dumalo sa face-to-face application sa NCR, puwedeng mag-register sa jobquest.ph para malaman kung kailan ang schedule.


Kailangang magpa-schedule muna dahil kailangang kontrolin ang bilang ng mga tao sa venue.


Iba-iba rin ang schedule kada rehiyon kaya dapat alamin muna ang detalye sa mga DOLE regional office.


"Siguro at a given time, there will be 20 jobseekers na papapasukin po natin sa ating venue and then they will be allowed for about 45 minutes," ani DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay. 


Karamihan sa 8,000 job vacancies ay sa IT at BPO, pero mayroon na ring ilang oportunidad sa agrikultura, sales at health sector. 


May job openings din sa ibang bansa para sa mga nurse, baker, auto-mechanic, household service worker at kitchen crew.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page