top of page
Search

ni Lolet Abania | November 9, 2021


ree

Dinala si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra sa isang ospital at kasalukuyang inoobserbahan, ayon sa ahensiya ngayong Martes.


“He was not feeling well this morning. He was brought to the hospital,” ani DOJ Undersecretary Adrian Sugay sa isang statement.


“He is under observation and will undergo routine tests. He is okay now,” dagdag pa ni Sugay.


Wala nang iba pang binanggit na detalye ang opisyal hinggil sa kondisyon ni Guevarra.

 
 

ni Lolet Abania | October 28, 2021


ree

Ipinahayag ng Department of Justice (DOJ) ngayong Huwebes na nilinaw nila sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang isyu na ang mga empleyado ay hindi required o kinakailangan at piliting magpabakuna kontra-COVID-19.


“I emphasized that the COVID-19 vaccination program act of 2021 was clear on the non-compulsory nature of vaccination as an additional requirement for employment,” ani Justice chief Menardo Guevarra sa isang mensahe sa mga reporter.


“Unless amended or modified by Congress, it is the existing and applicable law,” dagdag ni Guevarra.


Ayon kay Guevarra, ibinatay lamang ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga naging comments at nakatakda namang i-align o isaayos ang kanilang polisiya.


“Wala namang nag-express ng any different or contrary position among the IATF members. The DOLE duly noted our advice and stated that it will align its policy pronouncements accordingly,” paliwanag ni Guevarra.


Nag-isyu si Guevarra ng naturang remark, ilang araw matapos na sabihin ng DOLE na ang pag-terminate o pagtatanggal sa mga empleyado ay ipinagbabawal kung ang dahilan lamang nito na sila ay hindi bakunado.


Matatandaan namang sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na mayroong legal basis para sa mga employer sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 na i-require ang kanilang mga empleyado na magpabakuna kontra-COVID-19.


 
 

ni Lolet Abania | May 21, 2021



ree

Itinaas na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa 30 porsiyento ang seating capacity para sa mga religious gatherings sa NCR Plus at iba pang mga lugar sa bansa, ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra.


Sinabi ni Guevarra na ang bagong polisiya, kung saan maisasagawa rin sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions, ay inaprubahan ng IATF kahapon matapos ang hiling at pakiusap ng mga simbahan.


Gayunman, ito ay ipapatupad nang hanggang May 31.


“This applies to all religious faiths, sects, and denominations,” ani Guevarra.


Matatandaang ipinatupad ng gobyerno ang limitadong 10% venue capacity para sa mga religious gatherings upang maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.


Gayunman, isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila at karatig-probinsiya gaya ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna – na tinatawag na NCR Plus -- sa GCQ with heightened restrictions mula May 15 hanggang May 31.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page