top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 1, 2023



ree

Magtatayo ang Department of Justice (DOJ) ng 16 regional jails bago matapos ang termino ni Pangulo Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ayon kay DOJ spokesperson Undersecretary Mico Clavano ngayong Biyernes.


Naglalayon ang DOJ na lumipat mula sa National Bilibid Prison (NBP) sa Lungsod ng Muntinlupa upang magbigay-daan para sa isang national government center.


“We take the President’s directive very seriously that is why within the administration’s time until 2028 we hope to build at least 16 regional jails and we’re hoping that the NBP —well, we hope to convert it into either a national government center or another government facility which can be utilized to its maximum potential,” sabi ni Clavano sa isang Palace briefing.


Ipinaliwanag ni Clavano na mataas ang halaga ng lupa kung saan matatagpuan ang NBP. Maliban dito, mayroon din itong malaking espasyo.


Magtatakda naman ang DOJ at iba pang mga ahensiya ng iba't ibang lugar kung saan kinakailangan ang karagdagang jail facilities sa National Jail Decongestion Summit sa Disyembre 6 at 7.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 6, 2023



ree

Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nangyaring pamamaril sa isang radio anchor na si Juan Jumalon o mas kilala bilang Johnny Walker habang ito ay nagla-live broadcast kahapon, ayon sa Department of Justice nitong Lunes, Nobyembre 6.


Ayon sa DOJ spokesperson na si Mico Clavano, nasa proseso na sila ng paghahanap at agad namang nakuha ng NBI ang impormasyon tungkol sa kaso.


Patuloy pa ang pagtukoy kung sino ang gunman at nasa likuran ng karumal-dumal na pagpatay.


Matatandaang binaril si Jumalon sa kanyang sariling tahanan sa Brgy. Don Bernardo A. Neri nu'ng Linggo, Nobyembre 5.


Sa kabilang banda, nakikipag-ugnayan naman ang NBI sa Presidential Task Force para sa seguridad ng mga taga-media.


 
 

ni Mai Ancheta @News | August 27, 2023



ree

Patung-patong na kaso ang isinampa ng Department of Justice kay dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves, Jr. kaugnay sa pagkamatay ni dating Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong March 4, 2023.


Inanunsyo ni DOJ Spokesman Mico Clavano nitong Sabado na naisampa na sa Manila Regional Trial Court noong August 18, 2023 ang mga kasong murder, frustrated murder at attempted murder laban kay Teves.


Sinabi ni Clavano na ngayong naisampa na ang kaso sa korte, hihintayin na lamang nila ang paglabas ng warrant of arrest laban kay Teves.


“'Yung Degamo case ay nai-file na natin sa Manila, 'yun ay nasa korte na at hinihintay na lang natin ang warrant of arrest. Alam naman ho natin 'yung facts nu'ng kaso na 'yun dahil napaka-publicized nu'ng kaso na 'yun."


Itinanggi naman ni Teves na sangkot siya sa asasinasyon ni Degamo dahil nasa ibang bansa umano siya nang maganap ang pagpatay sa dating gobernador.


Nauna nang idineklara ng Anti-Terrorism Council si Teves, kasama ang kanyang kapatid na si Pryde Henry Teves at 11 iba pa bilang mga terorista at binansagang Teves terror group.


Nauna nang sinampahan ng kasong murder si Teves sa Bayawan, Negros Oriental dahil sa mga nangyaring krimen noong 2019 at plano ng DOJ na ipalipat ang kaso sa Maynila upang lahat ng pagdinig ay sa Maynila na gagawin.


Si Teves ay kasalukuyang nasa labas ng Pilipinas.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page