top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 18, 2022


ree

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na mayroong sapat na oil supply sa kabila ng tensiyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.


Hindi man direktang bumibili ng langis ang Pilipinas sa Russia, ang mga trading partners nito na China, South Korea, at Japan, ay bumibili roon, ayon sa DOE.


"Unfortunately, these countries are importing from Russia, so indirectly, tatamaan tayo [we will be hit]," ani DOE-Oil Industry Management Bureau director Rino Abad sa isang panayam.


Ayon kay Abad, nakipag-ugnayan na siya sa mga oil companies sa bansa upang masiguro ang supply ngayong taon.


"Inanticipate na kasi namin itong problemang ito. Secured na nila 'yung supply for 2022," aniya.


Ayon sa Reuters, mayroong mahigit 100,000 troops ang Russia na nakatipon malapit sa Ukraine, at paulit-ulit na sinabi ng Washington na may magaganap na pagsalakay.

 
 

ni Lolet Abania | February 4, 2021



ree


Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Energy (DOE) na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng polisiya ng no disconnection sa mga customers na may mabababang buwanang konsumo sa elektrisidad.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang implementasyon ng no disconnection policy ay para sa buong buwan ng Pebrero. Ang mga distribution utilities ay kailangan ding magbigay ng opsiyon para sa installment payment na gagawin ng mga customers.


Sakop ng polisiya ang mga customers na kumokonsumo ng 100 kph at mas mababa pa rito kada buwan. Sa isang news conference, kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang naging desisyon ni Pangulong Duterte sa pulong ng mga gabinete kagabi.


“The President readily agreed given that electricity is a basic necessity our countrymen cannot live without,” ani Nograles.


“Makakahinga na po nang maluwag ang ating mga kababayan na mababa o walang kita. Hindi po kayo mapuputulan ng kuryente,” dagdag niya.


Matatandaang ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa mga power distribution utilities na huwag magpatupad ng anumang disconnection sa mga account na hindi pa nabayarang bills hanggang December 31, 2020 ng mga consumers na may buwanang konsumo na tinatawag na “not higher than twice the ERC maximum lifeline consumption level.”


“According to the DOE, while lifeliners comprise 32% of the customer base, they only account for 3% of electricity sales. So, this is very doable,” saad ni Nograles.


Ayon pa kay Nograles, hinimok din ni P-Duterte ang Kongreso na palawigin ang pagkakaroon ng subsidy para sa mga marginalized power consumers sa loob ng 30 taon o mula 2021 hanggang 2051. “[This is] because of the pandemic and sa computation ng DOE, hindi naman ito mabigat para sa ating mga distribution utilities. Kayang-kaya naman po,” sabi pa ni Nograles.


Inaprubahan naman ng Senado noong nakaraang buwan ang extension nito ng 10 taon.

Tinugon naman ng Manila Electric Company (Meralco) ang direktiba ng pamahalaan na palawigin pa ang no-disconnection policy para sa mga customers na may mabababang buwanang konsumo ng kuryente.


"We will comply with the government's directive and will wait for the specific guidelines from the Department of Energy. We would like to assure our customers that we will continue to assist all of them in addressing their billing issues,” ayon sa pahayag ni Joe Zaldarriaga, spokesperson ng Meralco.

 
 

ni Lolet Abania | December 28, 2020


ree


Nakatakdang mag-rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo matapos ang pitong magkakasunod na linggong pagtaas sa diesel at kerosene, habang walang pagbabago sa gasoline.


Sa hiwalay na advisories, ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. ay naglabas ng anunsiyong magbabawas ng presyo sa kada litro ng diesel ng P0.05 at kerosene ng P0.25.


Magpapatupad naman ang Petro Gazz ng parehong pagbabago, subalit hindi kasama rito ang kerosene.


Magiging epektibo ang bagsak-presyo ng petrolyo nang alas-6:00 ng umaga bukas, December 29, 2020. Kasunod na ring magpapalabas ng katulad na abiso ang iba pang kumpanya ng langis.


Sa pinakahuling datos mula sa Department of Energy (DOE), lumalabas na ang naging year-to-date adjustment ay may net decrease ng P3.22 kada litro sa gasoline, P7.36 kada litro sa diesel at P10.59 kada litro sa kerosene.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page