top of page
Search

Pni Angela Fernando - Trainee @News | November 20, 2023



ree

Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri ngayon na magbibigay ang Senado ng malaking dagdag sa badyet ng Department of National Defense (DND) para sa 2024 upang mapabuti ang air defense ng 'Pinas.


Nagpahayag si Zubiri sa plenarya ng Senado ukol sa deliberasyon ng P233.272-bilyong panukalang badyet ng DND para sa taong 2024, nang matanong ni Deputy Minority Leader Risa Hontiveros tungkol sa pondo para sa missile units at drone units ng bansa.


Aniya, masayang sasalubungin ng Defense chief, kalihim ng Armed Forces of the Philippines na si Gen. Romeo Brawner, kasama ang mga tauhan ng Armed services ang inisyatibo ng Senado.


Magkakaroon pa ng isang executive session ang mga senador para sa mga detalye ng mga plano ng DND para maisaayos ang kakayahan ng depensa ng bansa.




 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 7, 2023



ree

Lumala ang panghihimasok ng China sa mga sasakyang pandagat ng 'Pinas at sa mga Pilipinong mangingisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) matapos na alisin ang military base ng US sa bansa taong 1990, ayon sa opisyal ng Department of National Defense (DND) nitong Martes, Nobyembre 7.


Ito ang naging pahayag ng DND Undersecretary for Strategic Assessment and Planning na si Ignacio Madriaga sa isang pagdinig sa House Committee matapos siyang tanungin kung nakatulong ba ang mga base ng militar ng US bilang pamigil sa paglabag ng China sa West Philippine Sea.


Dagdag niya, maaaring ituring na nu'ng panahong may mga base ang militar ng America sa bansa, nakatulong ang kanilang presensya na pasukin ng China ang EEZ.


Sa kasalukuyan, ayon kay Rizal Representative Wowo Fortes, dapat na maging handa ang bansang harapin ang mas lumalala pang pagkilos ng China sa teritoryo at karagatan ng 'Pinas.



 
 

ni Mylene Alfonso | June 6, 2023



ree

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Gilbert Teodoro, Jr., bilang bagong kalihim ng Department of National Defense at si Dr. Teodoro Herbosa bilang bagong kalihim ng Department of Health.


Inanunsyo ng Presidential Communications Office ang appointment nina Gibo at Ted matapos makipagpulong si Marcos kina Teodoro at DND Senior Undersecretary Carlito Galvez, Herbosa at Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa magkakahiwalay na pagpupulong sa Palasyo, kahapon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page