top of page
Search

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 13, 2020



Nakalalamang ngayon ang couple entry na Flattering You at King Tiger sa laban na magaganap sa 2020 Philracom Juvenile Championship at magtatagisan sa bilis ang mga kalahok na Bell Bell at Runway sa Lakambini Stakes Race sa Saddle and Club Leisure Park, Naic,Cavite.


Makakaharap ng Flattering You at King Tiger sa Juvenile Championship ang mga kalahok na Ambisioso, Forest Gump, Hook On D Run, Kevlar, Lovely Julliane, Luke Skywalker, Meteora, Money Changer,Tiger Boy at Tomorrow Land.


Nabatid na ang laban ay tiyak na uunahan ng de banderang si King Tiger habang makasunod ang couple entry na Flattering You na tatawid sa distansiyang 1,600 meters na may nakalaang P2- M at mag-uuwi ng P1.2-M ang magiging kampeon sa Juvenile Championship.


Makatatanggap ng P450,000 ang 2nd place, mayroong P250,000 ang 3rd place at mapupunta ang P100,000 sa 4th place.Tatanggap ng P70,000 bilang horse breeder ang kabayong tatanghaling kampeon. Magtatagisan ng bilis at lakas ang mga kalahok na Bell Bell at Runway sa Lakambini Stakes Race.


Makakalaban ang Calbayog, Cam from Behind, Nicole’s Favorite, Radio Gaga,Runway ay Zenaida na tatawid sa distansiyang 1,600 meters.


Tatanggap ng P600,000 ang 1st place, mapupunta sa 2nd place ang P225,000 at makatatanggap ng P125,000 ang 3rd place at P50,000 ay mapupunta sa 4th place.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 12, 2020



Matutunghayan ng bayang karerista ang laban sa linggong darating, ang 2020 Philracom Juvenile Championship at Lakambini Stakes Race Saddle and Club Leisure Park sa Naic, Cavite.


Maghaharap ang 12 kalahok sa Juvenile Championship na pangungunahan ng Ambisioso,Flattering You, Forest Gump, Hook On D Run, Kevlar, King Tiger, Lovely Julliane, Luke Skywalker,Meteora,Money Changer,Tiger Boy at Tomorrow Land.


Tatawid sa distansiyang 1,600 meters na may nakalaang P2-M at mag-uuwi ngP1.2 milyon ang magiging kampeon sa Juvenile Championship.Makatatanggap ng P450,000 ang 2nd place, mayroong P250,000 ang 3rd place at mapupunta ang P100,000 sa 4th place.


Tatanggap ng P70,000 bilang horse breeder ang kabayong magkakampeon.Magtatagisan ng bilis at lakas ng hininga ang mga kababaihang mananakbo sa Lakambini Stakes Race sa naturang karerahan.


Pangungunahan ng Bell Bell, Calbayog, Cam from Behind, Nicole’s Favorite, Radio Gaga,Runway at Zenaida ang tatawid sa 1,600 meters.Tatanggap ng P600,000 ang 1st place, mapupunta sa 2nd place ang P225,000 at makatatanggap ng P125,000 ang 3rd place at ang P50,000 ay mapupunta sa 4th place.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 9, 2020



Nakatakdang magharap ang mga magagaling na mananakbo na itinuturing na kampeon sa PHILRACOM 2020 Presidential Gold Cup sa Dis. 27,2020 sa Manila Jockey Club Inc.(MJCI) sa Carmona, Cavite.


Maituturing na labanan ng mga kampeon ang maghaharap sa naturang karera. Magkakarerahan ang kampeon na Heneral Kalentong, Union Bell, Boss Emong, Princess Eowyn, Real Gold, Super Sonic at Super Swerte. Ang ibang kalahok ay Electric Truth, Pangalusian Island, Patong Patong, Shanghai Grey, Summer Romance, Toy for the Big Boy, Victorious colt at Wonderland.


Ang Heneral Kalentong ang itinanghal na kampeon sa tatlong yugto ng katatapos na Triple Crown ngayon taon.Ang kapatid ni Heneral Kalentong na Union Bell ang Grand champion ng 2019 Juvenile.


May nakalaang P3-M ang karera na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line.Ang kampeon ay magkakamit ng P1.8-M habang ang 2nd place ay may P600,000, habang mag-uuwi ng P300,000 ang 3rd place samantalang makatatanggap ng P150,000 ang 4th place at may pampalubag loob sa 5th place na P90,000 habang may P60,000 ang 6th place. Tatanggap ang horsebreeder ng P100,000 sa tatanghaling kampeon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page