top of page
Search

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 8, 2021



Binabati ko ang lahat ng nagsipanalo sa Pick 6 at Pick 4 habang carry over sa Ist Pick 5 ng halagang aabot na P1,495,255.87 sa karerang naganap nitong Sabado sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.


Dahil sa pagkakapanalo ng tatlong kalahok na dehado na Air Class, The Believer at You Never Know nagbigay ng dividendo sa Ist Pick 6 sa kombinasyon 7/7/10/6/5,11/1 ng P1,720,226.40 habang sa 1st Pick 4 ay sa kombinasyon na 7/10/6/5,11 ng halagang P105,413.60.


Dahil sa pagkakapanalo ng Air Class sa Race 3, The Believer sa Race 4 at You Never Know sa Race 6 naghatid ng carry over sa 1st Pick 6.


Naging balikatan ang laban sa Race I sa pagitan ng mga kalahok na Kiss Muna, Paru Parong Bukid at My Jopay na magkakadikit na dumating sa finish line habang sa Race 2 ay naging patok ang Batang Madrid nang manalo ng may 10 lengths ang layo sa mga kalaban.


Nilaban ng one on one sa unahan ng Air Class ang nauunang Mellaflous at tuluyang nalayo ng may dalawang kabayo sa huling 50 meters sa finish line. Hindi man lang nakaamoy ng buntot ang mga liyamadong Patong Patong at Kaka and Bachi at Pride of Laguna nang manalo ang dehadong The Believer sa Race 4.


Sa Race 5 nilampasan ng dehadong si Amelia ang mga kalaban pagsapit sa huling 50 meters at sa Race 6 ay lumampas ng may isang nguso ng kabayo ang dehadong You Never Know sa mga kalaban na Maaasahan at Benjie Prayer na naging dahilan ng carry over sa Pick 6.


Pinagwagian ng bayaghang na dehadong Es Em Bee, na itinanghal na banderang tapos sa Race 7 habang pinagwagian naman ng Palibhasa Lalake ang Race 8 at nanalo ang isa pang liyamadong Change the Racer sa pagtatapos ng karera sa Race 9. Resulta ng karera Pebrero 6, Sabado:


RACE 01 – KISS MUNA (7) 7/13/12/10/8/4,P5.00 WIN 7 P5.50,P5.00 FC 7/13 P24.00,P2.00 TRI 7/13/12 P156.60,P2.00 QRT 7/13/12/10 P604.00,P2.00 PEN 7/13/12/10/8 P8,834.40,SIX CarryOver P5,392.52


RACE 02 – BATANG HEROES (7) 7/10/6/3/11/1,P5.00 WIN 7 P6.00,P5.00 FC 7/10 P75.00,P2.00 TRI 7/10/6 P104.40,P5.00 DD 7/7 P8.50,P2.00 QRT 7/10/6/3 P1,167.20,P2.00 PEN 7/10/6/3/11 P5,017.00,SIX CarryOver P14,947.16


RACE 03 – AIR CLASS (10)10/11/9/1/13/4:P5.00 WIN 10 P21.00,P5.00 FC 10/11 P217.50, P2.00 TRI 10/11/9 P577.20,P5.00 DD 7/10 P35.00,QRT CarryOver P16,174.75,P2.00 DD1 7/7/10 P31.20,P5.00 XD 7/10 P40.50,PEN CarryOver P7,309.80,SIX CarryOver P20,642.11


RACE 04 – THE BELIEVER (6) 6/7/8/9/1:P5.00 WIN 6 P233.50,P5.00 FC 6/7 P972.50,P2.00 TRI 6/7/8 P5,699.80,P5.00 DD 10/6 P6,808.50,P2.00 QRT 6/7/8/9 P20,150.20,P2.00 DD1 7/10/6 P6,400.00,P5.00 XD 7/6 P1,610.00,P2.00 PEN 6/7/8/9/1 P41,624.60


 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 7, 2021



Dikdikan ang laban ng bawat kalahok sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System (PRBHS) sa triple carry over ng Winner Take All (WTA) ngayong hapon sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.


Bukod dito magaganap din ang Pick 5 ,6 event kasama ang Pick 4 sa 12 karera na magsisimula dakong ala-1:00 ng hapon ngayong linggo.


Magaganap ang 1st WTA sa Race 3 hanggang Race 9 na carry over ng P2,517,484.22, bukod pa sa 2nd WTA na magsisimula sa Race 6 hanggang race 12. Ihahandog din ng Manila Jockey Club Inc., (MJCI) ang tatlong Pick 6 at Pick 5. Ang 1st Pick 6 ay mag-uumpisa sa Race 1 hanggang Rrace 6, ang 2nd Pick 6 ay magaganap sa Race 5 hanggang Race 10 at ang 3rd Pick 6 ay magaganap sa Race 7 hanggang Race 12.


Samantala unang matutunghayan ang Pick 5 sa Race 2 hanggang Race 6, ang 2nd Pick 5 ay magaganap sa Race 4 hanggang Race 8, at ang 3rd Pick 5 ay magaganap sa race 8 hanggang Race 12.


Sa Race 1 napipisil ko ang Sorority Girl (1) maaaring tumalo ang Isa Pa Isa Pa (6), Proof It at Warrior Heart (10), habang sa Race 2 ang Gee Song (9) at Mahilig (3).


Sa Race 3 nakalalamang ang Bulletproof (4) subukan ang Himpapawid (13), sa Race 4 pinipili ang IN I GO (1), Carravaggio (9) at Gonzee’s Bet (12). Sa Race 5 nakalalamang ang Chinita (12) at magiging kalaban ang Fantastic Matty (13), sa Race 6 Batang Dragon (7), Diwalwal (5) Alezzandro (1).


Sa Race 7 nakalalamang ang San Rafael (11) panegunda ang Trust Worthy (13), sa Race 8 nakalalamang ang ICON (13) at makakalaban ang More Or Less (11) isama ang Blazing Bullet (5).


Sa Race 9 nakalalamang ang Mark of Distinction (8) subukan ang Universe (14) at huwag kaligtaan ang Refuse To Lose (9), sa Race 10 pinapatok ko ang Bebang (4).

Sa Race 11 My Dad Bogart (1) magandang dehado No Regret /Tit For Tat at Westeros baka gumawa ng sorpresa sa kalaban, sa Race 12 patok ang In The Zone.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 6, 2021



Hahataw ngayon ang double carry over sa PICK 6 sa simula ng karera sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite ngayong Sabado.


Asahan na maraming tataya sa 1st Pick 6 dahil double carry over na halagang P322,749.29 at P220,410.83.


Lumilitaw na P543,150.22 ang paglalabanan ng bayang karerista sa Pick 6.


Bukod dito carry over din ng mahigit P404,925.54 sa 1st Pick 5 kaya umaasa ang SLLP na maraming karerista ang maglalaro. Susunod ang 2nd Pick 6 sa Race 4 at Pick 5 sa Race 5. Bukod pa ang Pick 4 sa Race 2 at Race 6.


SLLP, Carmona, Cavite Feb.6: Race I Big Heart (2),Paru Parung Bukid (I3),Nevada’s Scout(5) Race 2 Batang Heroes(7), Toscana(9), Boom Boom Thsiler(8) Race 3 Amega (3),Lady Margaux(6) Golden Octagon(I) Race 4 Patong aPatong (7),Kaka and Bachi/Mandatum(I) Pride of Laguna(9) Race 5 Great Year(I),San Diego Jet (2) Constitution(I2) Race 6) Hot Leg (II), Lucky Saver (I0),Sekretong Malupit(2)

Race 7 Shanghai Noon(7) Es em Bee (II) Race 8 Magtotobetsky(7) Palibhasa Lalake(4) Morning Breeze(2) Race 9 Our Secret/ Change the Racer(4) Four Strong Wind(8) Our Tito(2)

 
 
RECOMMENDED
bottom of page