top of page
Search

ni Lolet Abania | May 3, 2022


ree

Nasa kabuuang 25,668 o 56.89% ng mga pampublikong paaralan habang 676 pribadong paaralan sa buong bansa ang nakabalik na sa on-site classes sa gitna ng pandemya ng COVID-19, ayon sa Department of Education (DepEd).


Batay sa kanyang presentasyon, sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinalabas ngayong Martes, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na inaasahan nila ang 5,948,640 estudyante sa pampublikong paaralan mula sa lahat ng grade levels na makikilahok sa face-to-face classes.


Binanggit ni Briones na ang naturang bilang ay nasa 25.61% ng 23,230,898 kabuuang enrollees sa sektor ng pampublikong paaralan ng kasalukuyang academic year.


Sa kabila nito ayon kay Briones, nananatili ito na isang “hamon” para sa DepEd, kung saan nasa 676 pribadong paaralan lamang o 5.47% ng kanilang kabuuang bilang ang nagpatuloy sa in-person learning. Nasa tinatayang 226,991 estudyante o 7.09% ng mga private school learners ang inaasahang lumahok dito.


“It is ironic that at the height of the debates on face-to-face schooling, there were many demands for face-to-face, but now that we have approved it, there are only 676 private schools opening face-to-face,” saad ni Briones.


Ipinunto naman ni Deputy Chief Implementer Vince Dizon ng National Task Force Against (NTF) COVID-19 na maraming mga rason kung bakit mayroong tinatawag na “resistance” mula sa mga pribadong paaralan para magsagawa muli ng in-person classes.


“The most compelling of which is that some parents in the private schools are still quite apprehensive about letting their children go back to face-to-face classes, which of course is the right of every parent,” paliwanag ni Dizon.


Sa lahat-lahat, mayroong 6,175,631 estudyante ang sumabak sa F2F classes sa 26,344 paaralan sa buong bansa, ayon pa sa DepEd.


 
 

ni Zel Fernandez | April 30, 2022


ree

Batay sa inilabas na opisyal na pahayag ng Department of Education (DepEd) kahapon nang Biyernes, Abril 29, aprubado na ng Kalihim ng Edukasyon sa isinagawang joint Execom-Mancom meeting ang rekomendasyon ng Regional Directors at Division Superintendents na payagan ang mga guro na hindi mag-report on-site sa Mayo 2 hanggang 13.


Batay ito sa pagsasaalang-alang ng interes ng serbisyo at ng teaching force, na inihain sa pamamagitan ng Governance and Operations Strand.


Kaugnay nito, halos karamihan ng mga guro na tinatayang nasa 640,000 ay inaasahang maglilingkod sa pambansa at lokal na eleksiyon sa Mayo 9.


Kasabay nito, gumagawa ng mga paghahanda ang mga guro at mga paaralan sa bansa para sa mga aktibidad kaugnay ng eleksiyon at ng mga lugar ng pagbobotohan o presinto bago ang araw ng eleksiyon.


Gayundin, magkakaroon ng agarang post-election activities sa mga eskuwelahan at ng mga guro na nakatalaga para sa eleksiyon.


Samantala, ang mga gurong hindi kabilang sa darating na halalan ay inaasahang patuloy na mag-aasikaso ng mga gawain kabilang ang pagtapos ng mga school forms, paghahanda ng mga instruksiyunal na material o learning plans, at ebalwasyon ng mga outputs/portfolios ng mga estudyante.


Ang pagpapatupad ng naturang desisyon ay sang-ayon sa atas ng kalihim sa Governance and Operations at ang Curriculum and Instruction strands na magbigay ng mga naaangkop na patnubay sa mga field units nito.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 9, 2021


ree

Humingi ng paumanhin ang World Bank sa naiulat na mababang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas sa kanilang website kamakailan.


Saad ng World Bank, "We deeply regret that the report on education was inadvertently published earlier than scheduled and before the Department of Education (DepEd) had enough chance to provide inputs. This was an oversight on our part, and we conveyed our personal apologies in our communication with the government."


Ayon sa World Bank, binura na nila ang naturang educational report sa kanilang website at nakipag-ugnayan na rin sila kay DepEd Secretary Leonor Briones.


Ang naturang ulat ng World Bank ay may pamagat na: “Improving Student Learning Outcomes and Well-Being in the Philippines: What Are International Assessments Telling Us? (Vol.2): Synthesis Report Presentation.”


Ayon dito, 80 porsiyento ng mga estudyanteng Pinoy ang hindi man lang nakapasok sa minimum level ng expected proficiency o kulelat sa pag-aaral.


Samantala, una nang umapela ang DepEd hinggil dito at ayon kay Briones, luma ang pinagbasehang datos sa report ng World Bank at humingi rin siya ng public apology mula sa institusyon.


Saad pa ni Briones, “We would like the public to be aware of this and since the country was insulted [and] was shamed, we expect and look forward to a public apology.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page