top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | July 12, 2023




Hindi pa maibabalik ng Department of Education sa dati ang academic calendar.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, posibleng abutin pa ng 3 hanggang 5 taon bago maibalik ang June to March academic calendar.


Dahil sa matinding init ng panahon, may mga nananawagan na ibalik na sa dati ang pasukan ng eskuwela.


Ayon kay Poa, naghihintay pa sila ng resulta ng final evaluation ng ginawang pag-aaral ng DepEd.


Posible rin naman aniyang bumalik sa dati pero aabutin pa ito ng ilang taon. Kailangan aniyang timbangin ang pros and cons ng pagbabalik ng school calendar sa dati.


Nabatid na ikinukonsidera rin ng DepEd ang minimum number ng school days na sa ngayon ay nasa 200.


Pansamantala, bilang alternatibo sa init ng panahon, nagsabi na sila sa mga pinuno ng eskuwelahan na huwag munang papasukin ang mga bata. Puwede naman aniya ang alternative schooling.


 
 

ni Madel Moratillo | May 20, 2023




Target ng Department of Education na maipatupad sa school year 2024-2025 ang bagong curriculum na K to 10 o Kinder to Grade 10.


Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, nangangalap na sila ng feedback mula sa publiko para mai-draft na ang K to 10 curriculum.


Nais aniya nilang malaman ang komento ng publiko para maikonsidera ito sa gagawing curriculum.


Ang Senior High School curriculum naman ay nire-review na aniya at ngayo’y nasa consultation stage.


Tiniyak naman ni Poa na isasailalim ito sa masusing pag-aaral.


Sa ngayon, isinasapinal pa umano ng DepEd ang school calendar para sa school year 2023-2024.


 
 

ni BRT | May 15, 2023




Nag-organisa ang Department of Education (DepEd) ng national task force na magre-review sa pagpapatupad ng senior high school (SHS) program.


Sa memorandum na nilagdaan ni DepEd Undersecretary Gina Gonong, nilikha ang task force upang tugunan ang mga umuusbong na hamon sa pagpapatupad ng SHS program sa DepEd at non-DepEd schools.


Ang task force ay magsusumite ng reports ng mga accomplishments at output nito kay Vice President at Education Sec. Sara Duterte, sa pamamagitan ng undersecretaries ng Curriculum at Teaching and Operation Strands, bago ang Mayo 12, 2024.


Kabilang sa mga responsibilidad ng task force ay repasuhin ang mga kasalukuyang patakaran ng programa upang matiyak ang consistency, responsiveness, at relevance sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at stakeholder; at palakasin ang pakikipag-ugnayan sa mga pribadong sektor at iba’t ibang industriya sa pambansa at rehiyonal na antas upang mapabuti ang SHS employability.


Bubuo rin ng mga patakaran at plano batay sa mga resulta ng pagsusuri sa program implementasyon at sa pag-asam ng mga pangangailangan nito sa hinaharap; at makipag-ugnayan sa mga kaugnay na tanggapan tulad ng mga state universities at colleges, at mga pampubliko at pribadong paaralan, upang bumuo ng database ng SHS na kinabibilangan ng mga patakaran, program offerings, at private school data.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page