top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment News | July 18, 2024



Showbiz Photo

Opisyal nang naupo si Sec. Sonny Angara nitong Huwebes bilang bagong pinuno ng Department of Education (DepEd). Ito ay matapos ipasa ni Bise-Presidente Sara Duterte ang posisyon sa isang seremonyang ginanap sa DepEd Complex sa Pasig City.


Sa turnover ceremony, ipinasa ni Duterte kay Angara ang selyo at watawat ng departamento, pati na rin ang transition report. Bago ang seremonya, ipinasyal din ni Duterte si Angara sa loob ng gusali ng DepEd.


Sa kanyang huling talumpati bilang pinuno ng DepEd, inamin ni Duterte na may mga programa pang hindi natatapos. Matatandaang nagbitiw si Duterte sa posisyon nu'ng Hunyo 19, na magiging epektibo bukas, Hulyo 19.

 
 

by Angela Fernando @News | July 16, 2024



File photo

Ipinaalam ni incoming Education Sec. Sonny Angara nitong Martes na nagbitiw na sa tungkulin si Department of Education (DepEd) Undersecretary Michael Poa.


Kasunod ang pagbibitiw ng tagapagsalita ng DepEd isang buwan matapos magbitiw si Bise-Presidente Sara Duterte bilang Education Secretary nu'ng Hunyo.


Ayon kay Poa, handa siyang maghintay ng utos mula kay Duterte kung meron man. Matatandaang ang pagbibitiw ni Duterte sa tungkulin niya sa DepEd ay magiging epektibo sa Hulyo 19, 2024, ayon sa Presidential Communications Office.

 
 

ni Eli San Miguel @News | May 15, 2024

ree

Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ngayong Miyerkules ang proyektong nagkakahalaga ng P30.5 bilyon upang ipatayo muli ang mga paaralan sa labas ng Metro Manila.


Malaking bahagi ng proyektong Infrastructure for Safer and Resilient Schools (ISRS) ng Department of Education (DepEd) ang mapopondohan ng official development assistance loan mula sa World Bank-International Bank for Reconstruction and Development.


“Of the P30.56 billion total project cost, P27.50 billion will come from loan proceeds while the P3.06 billion will be counterpart fund from the national government,” pahayag ng Presidential Communications Office (PCO).


Ipapatupad ang ISRS mula 2025 hanggang 2029, na naglalayong mag-rehabilitate ng mga paaralang nasa labas ng kabisera na naapektuhan ng mga kalamidad mula 2019 hanggang 2023.


“It is expected to benefit 1,282 schools, 4,756 school buildings, 13,101 classrooms, and 741,038 learners,” anang PCO.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page