top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 10, 2021



Libre ang sakay sa MRT-3 sa Independence Day, June 12, ayon sa Department of Transportation (DOTr) ngayong Huwebes.


Saad pa ng DOTr MRT-3, “Sa darating na ika-12 ng Hunyo 2021, magbibigay ng libreng sakay ang DOTr MRT-3 bilang pakikiisa ng ahensiya sa paggunita ng ika-123 anibersaryo ng proklamasyon ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas.”


Ayon pa sa DOTr, ang libreng sakay ay mula alas-7 hanggang alas-9 nang umaga at mula alas-5 nang hapon hanggang alas-7 nang gabi.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 4, 2021



Pinaikli ng pitong araw ang dating 14-day quarantine sa mga papasok sa Pilipinas na nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, makokonsiderang fully vaccinated na ang isang indibidwal kung pupunta ito ng bansa dalawang linggo o higit pa matapos matanggap ang ikalawang dose ng two-dose series o 2 weeks o higit pa matapos mabakunahan ng single-dose COVID-19 vaccine.


Kailangan din umanong ipakita ng mga papasok sa bansa ang kanilang vaccination card sa Bureau of Quarantine (BOQ) at para sa re-verification sa Department of Transportation (DOTr) One-Stop Shop sa pagdating sa Pilipinas.


Saad pa ni Roque, "All inbound fully vaccinated individuals shall be required to undergo a seven-day facility-based quarantine upon arrival. The BOQ shall ensure strict symptom monitoring while in the quarantine facility for 7 days.”


Matapos umano ang 7-day facility-based quarantine, maglalabas ang BOQ ng Quarantine Certificate kung saan nakalagay ang vaccination status.


Ayon din kay Roque, magsasagawa lamang ng RT-PCR test sa mga inbound traveler sa Pilipinas na fully vaccinated na kung ito ay nakitaan ng sintomas ng COVID-19 sa loob ng 7-day quarantine.


Saad ni Roque, "RT-PCR test shall only be done when the individual manifests COVID-19 symptoms within the 7-day quarantine.”


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 29, 2021




Darating na ang mga bagong tren na gagamitin ng North-South Commuter Railway (NSCR) sa ilalim ng proyekto ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways.


Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, "Mayroon tayong lugar na itinatayo ng DOTr na paglalagyan ng simulator. Ito ang gagamitin para sa training ng mga taong magpapatakbo at gagabay sa proyektong ito. Handa na hong dumating ang mga simulator ng September o October."


Bahagi ng ‘Build, Build, Build’ infrastructure development program ang NSCR project sa ilalim ng administrasyong Duterte.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page