top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 15, 2021



Aalisin na ng Department of Health (DOH) ang vital signs screening sa mga magpapabakuna kontra COVID-19 sa mga vaccination sites, ayon sa ahensiya noong Biyernes.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaprubahan ng mga eksperto ng DOH ang rekomendasyon ng Philippine Society of Hypertension and the Philippine Heart Association na ang mga may hypertension lamang ang kailangang i-monitor sa vaccination process.


Saad ni Vergeire, "We issued a policy regarding this matter that vital signs screening should not be included anymore as part of our process.


"Ang kailangan lang bantayan ng ating healthcare workers ay ‘yung talagang may established na hypertension at talagang nakikita natin na meron silang organ damage."


Aniya pa, “Naglagay din tayo riyan sa guidelines natin that there should be a separate lane para rito sa mga taong gusto nating obserbahan because of their established history ng kanilang mga sakit para hindi sila nakakadagdag du’n sa pila.”


Ayon kay Vergeire, humahaba ang pila sa mga vaccination centers dahil sa vital signs screening.


Aniya pa, “Marami sa ating kababayan, very eager silang magpabakuna na kahit hindi sila ‘yung scheduled for that day, they go to the vaccination sites.”


Samantala, umabot na sa mahigit 2 million ang nabakunahan sa Pilipinas kontra COVID-19 noong May 11, ayon sa DOH.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 10, 2021



Kailangang sumailalim sa 14-day quarantine ang mga nag-swimming sa Gubat sa Ciudad resort sa Caloocan City kamakailan, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipag-ugnayan na sila sa regional office upang i-monitor ang mga nag-swimming at involved sa naturang mass gathering.


Pahayag ni Vergeire, “Ito po ay mali, hindi po natin ito ito-tolerate. Ayaw po natin na madagdagan pa ang mga kaso.


“We have advised our regional office to strictly monitor all of those who have attended this gathering.


“‘Yung nagpunta riyan sa resort na ‘yan, kailangan nilang mag-quarantine for 14 days, lahat sila so that we can ensure na walang pagkahawa-hawahan na mangyayari.”

Umaasa rin umano ang DOH na hindi na mauulit pa ang ganitong klase ng insidente at nagpaalala rin ang ahensiya na ang Caloocan City ay bahagi ng Metro Manila na isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang sa May 14 kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang mass gatherings atbp. aktibidad dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Saad pa ni Vergeire, “Alam dapat ng ating kababayan kung kailan sila puwedeng lumabas at kung ano ang mga places na puwede nilang puntahan.”


Samantala, ngayong Lunes ay nakapagtala ang DOH ng 6,846 bagong kaso ng COVID-19 at sa kabuuang bilang ay umakyat na ito sa 1,108,826.


Limang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa takdang oras, ayon sa DOH.


Ayon din sa ahensiya, 59,897 ang aktibong kaso sa bansa kung saan 93.7% ang mild cases, 2.2% ang asymptomatic, 1.7% ang severe, at 1.3% ang mga nasa kritikal na kondisyon.


Tumaas naman sa 1,030,367 ang mga gumaling na matapos maitala ng DOH ang karagdagang 8,193 ngayong araw.


Pumalo naman sa 18,562 ang death toll sa bansa matapos maitala ang karagdagang 90 bilang ng mga pasyenteng pumanaw.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 10, 2021




Nilinaw ng Department of Health na sila ang magsusumite ng application para sa emergency use authorization (EUA) ng Sinopharm COVID-19 vaccines at hindi ang Chinese manufacturer nito, batay sa naging panayam kay DOH Secretary Francisco Duque III ngayong umaga, Mayo 10.


Aniya, “Mag-a-apply tayo. Iyan ang proseso. Iyan ang kailangang sundin na proseso, batay sa komunikasyon sa ating FDA Director General Eric Domingo.”


Sabi pa niya, "Ngayong umaga, ang DOH, mag-a-apply ng emergency use authorization sa FDA para sa Sinopharm dahil meron na tayong emergency use listing na inilabas ng WHO nu’ng Sabado.”


Sa ngayon, ang mga bakunang may EUA pa lamang ay ang Pfizer, AstraZeneca, Sputnik V, Sinovac, Johnson & Johnson, Bharat Biotech at Moderna.


Matatandaan namang nagpabakuna kamakailan si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Presidential Security Group (PSG) gamit ang Sinopharm ng China, kahit na hindi pa iyon nagagawaran ng EUA.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page