top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 11, 2021




Kinumpirma ng Department of Health na hindi pa nakakapasok ang Brazilian variant ng COVID-19 sa bansa, taliwas sa unang pahayag ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit kahapon, Marso 10.


Paglilinaw pa ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, "Wala pa po tayong Brazilian variant. The Brazilian lineage must have been misinterpreted as a Brazilian variant."


Batay sa ulat, ang Brazil P.1 variants ang kinatatakutang variant ng COVID-19 sapagkat nagdudulot ito ng reinfection sa mga taong gumaling na mula sa virus at ito rin ang itinuturong dahilan sa pagkakaroon ng widespread infection ng COVID-19 sa Manaus, Brazil.


Gayunpaman, iginiit ng DOH na hindi dapat mangamba ang mga mamamayan dahil hindi iyon ang variant of concern na nakita sa Quezon City. Anila, "We would like to clarify that we have not detected the Brazilian variant of concern in the 3,420 samples we have sequenced as of this date. We would also like to clarify that a common variant identified among our sequenced samples was of Brazilian origin B.1.1.28 but not a variant of concern."


Kaagad namang binawi ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit ang naging pahayag. Kaugnay nito, nilinaw ni Mayor Joy Belmonte na malaki ang kinalaman ng mga bagong variant sa paglobo ng COVID-19 sa Quezon City, kung saan 13 ang positibo sa U.K variant, habang apat naman sa South African variant at tinatayang mahigit 100 katao ang tinatamaan ng Coronavirus kada araw sa lungsod.


Aniya, “Malaki ang kinalaman ng presensiya ng mga variants na ito sa biglang pagkalat ng sakit na ito at 'yung mabilis na pagkahawa. 'Yun talaga for me is the sign that we are dealing with something that we have not dealt with before. Tingin ko, serious na po ang situation namin dito sa Quezon City. Medyo alarming na po. Medyo disturbing na po.”


Sa ngayon ay 12 na lugar sa 11 barangays ng Quezon City ang isinasailalim sa 14-day special concern lockdown kabilang ang mga sumusunod:

• Ilang lugar sa Durian Street, Barangay Pasong Tamo simula noong February 25;

• L. Pascual Street, Barangay Baesa simula noong February 26;

• De Los Santos Compound, Heavenly Drive, Barangay San Agustin simula noong March 1;

• No. 46 K-9th Street, Barangay West Kamias expanded hanggang No. 46-50, K-9th Street, Barangay West Kamias simula noong March 3 at 8;

• 49 & 51 E Rodriguez Sr. Ave., Barangay Doña Josefa simula noong March 4;

• Paul Street at Thaddeus Street, Jordan Park Homes Subdivision, Doña Carmen, Barangay Commonwealth simula noong March 4;

• No. 237 Apo Street, Barangay Maharlika simula noong March 4;

• No. 64 14th Avenue, Barangay Socorro simula noong March 6;

• No. 64-B Agno Extension, Barangay Tatalon simula noong March 7;

• No. 90 Gonzales Compound, Barangay Balon Bato simula noong March 8;

• No. 2A – 4 K-6th, Barangay West Kamias simula noong March 8; at

• Portion of Sitio 5, Jose Abad Santos, Barangay Sta. Lucia simula March 9.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 2, 2021




Anim ang positibo sa kauna-unahang South African variant ng COVID-19 sa bansa, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Health ngayong umaga, Marso 2.


Batay sa ulat, dalawa sa nagpositibo ay mga balikbayan at ang 3 ay residente sa Pasay City. Samantala, inaalam pa ang pinanggalingang lokasyon ng isa.



Nakarekober na mula sa bagong variant ang 40-anyos na lalaking taga-Pasay habang nagpapagaling pa ang dalawa.


Nakolekta ang mga samples nila noong Enero 27 hanggang Pebrero 13.


Kaugnay nito, umabot na sa 87 ang kabuuang bilang ng UK variant COVID-19 sa bansa kung saan 30 ang nadagdag.


 
 

ni Lolet Abania | February 21, 2021




Umabot na sa 561,169 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).


Ito ay matapos na makapagtala ng 1,888 kaso ng coronavirus ngayong Linggo. May 20 naman ang nadagdag sa mga nasawi kaya umakyat na ang bilang na naitala sa 12,088.


Nakapagtala naman ang ahensiya ng 9,737 nakarekober kaya umabot sa 522,843 ang mga gumaling sa nasabing sakit.


Gayundin, mayroong naitalang 18 dagdag na bagong kaso ng B.1.1.7 variant. Dahil dito, umakyat na sa 62 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng UK variant ng COVID-19 sa bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page