top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 29, 2021




TULAD ng kinatatakutan, umabot na at nakapagtala ang bansa ng pinakamataas na bilang ng karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw na umabot sa 10,016 at sa kabuuan ay pumalo na sa 731,894 ang naitalang kaso.


Ayon sa Department of Health (DOH), pumalo na sa 115,495 ang bilang ng mga aktibong COVID-19 cases sa bansa kung saan 95.9% ang mild, 2.4% ang asymptomatic, 0.7% ang kritikal at 0.7% ang may severe condition.


Umakyat naman sa 603,213 ang bilang ng mga gumaling na matapos maitala ng DOH ang karagdagang 78 pasyente ngayong araw.


Samantala, 16 ang naitalang pumanaw dahil sa COVID-19 at sa kabuuan ay 13,186 na ang death toll sa bansa.


 
 

ni Lolet Abania | March 27, 2021




Isang midwife ang tinamaan ng coronavirus labingtatlong araw matapos na maturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine sa San Mateo, Isabela.


Ayon sa lokal na pamahalaan ng San Mateo, si Elvira Estera ay municipal midwife ng Rural Health Unit (RHU) sa nasabing lugar.


Nagpositibo ang resulta ng swab test sa COVID-19 ni Estera makaraang matanggap ang bakuna.


Gayundin, tinatayang 15 iba pang indibidwal sa RHU ang nagpositibo rin sa test sa COVID-19. Ilan sa kanila ay mga healthcare workers din na nabakunahan na ng COVID-19 vaccines.


Sa ngayon, naka-lockdown na ang RHU. Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Health (DOH) patungkol sa nangyaring insidente.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 26, 2021




Pumalo na sa 9,838 ang pinakamataas na naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa loob lamang ng isang araw at sa kabuuang bilang ay umabot na ito sa 702,856 ngayong Biyernes.


Ayon sa Department of Health (DOH), 7 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa takdang oras.


Samantala, umabot na sa 109,018 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa DOH. Tinatayang aabot naman sa 95.1% ang mild cases sa naturang bilang, 3% ang asymptomatic, 0.8% ang severe at 0.7% ang kritikal ang kondisyon.


Tumaas naman ng 663 ang bilang ng mga gumaling na at sa kabuuan ay 580,689 na. Nakapagtala rin ang DOH ng 54 na mga pumanaw at sa kabuuan ay 13,149 na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page