top of page
Search

ni Lolet Abania | June 11, 2021


ree

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga nagsisinungaling at nagpapalsipika ng mga dokumento hinggil sa pagkakaroon ng comorbidities upang makatanggap ng COVID-19 vaccine.


Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagsisinungaling tungkol sa pagkakaroon ng anumang sakit ay isang paglabag sa Republic Act 11332 o ang Law on Reporting of Communicable Diseases.


“Hindi lang diyan, baka hahanap pa tayo ng ibang batas na puwede nating gamitin pero ‘pag nagpa-falsify po kasi tayo ng mga sakit natin, katulad niyan, it’s going to be on public record, meron po 'yang mga penalties na. Meron na po tayong bina-violate niyan sa ating existing laws in the country,” ani Vergeire sa briefing ngayong Biyernes.


“Don’t go to that strategy. Hindi n'yo po kailangang gawin 'yan. Mag-antay lang po tayo at darating ang mga bakuna para mabakunahan po tayong lahat,” sabi pa niya.


Sa lumabas na ulat nitong Huwebes, ang mga local authorities sa mga siyudad sa Cebu at San Juan ay nakahuli ng ilang indibidwal na nagsisinungaling hinggil sa pagkakaroon nila ng comorbidities para lamang mabakunahan kontra-COVID-19.


Sa ngayon, mga health workers, senior citizens, persons with comorbidities, at essential workers ang prayoridad na bakunahan dahil sa limitadong supply nito. Ang mga persons with comorbidities ay kailangang may pruweba ng kanilang medical condition sa pamamagitan ng pinakabagong prescription na ibinigay ng doktor, may medical certificate, o laboratory test result.


Ayon kay Vergeire, kahit na may mga indibidwal na nagsisinungaling para lamang mabakunahan, kung saan nagpapakita ito na mataas ang interes ng marami sa COVID-19 inoculation campaign, ang prioritization list pa rin ang kinakailangang sundin.


“You don’t need to fake your documents, hindi n'yo kailangang magsinungaling na may sakit kayo. Mabibigyan po kayo kasi karapatan n'yo po ‘yan,” sabi ni Vergeire.


Sa naitala ng DOH, nasa mahigit sa 4.6 milyong indibidwal na sa ngayon ang nabakunahan kontra-COVID-19 hanggang nitong June 8.


 
 
  • BULGAR
  • Jun 11, 2021

ni Lolet Abania | June 11, 2021


ree

Idineklara ng World Health Organization (WHO) at UNICEF na natapos na ang polio outbreak sa Pilipinas makaraang ang sakit na ito ay muling kumalat sa bansa noong 2019.


Ayon sa dalawang international bodies, opisyal na inihayag ng Department of Health (DOH) na natapos na ang pagkalat ng sakit na polio sa bansa nitong June 3, 2021.


“The decision came as the virus has not been detected in a child or in the environment in the past 16 months and is a result of comprehensive outbreak response actions including intensified immunization and surveillance activities in affected areas of the country,” ayon sa inilabas na joint statement ng WHO at UNICEF ngayong Biyernes.


Matatandaang noong September 2019, naiulat ang muling pagtama ng naturang sakit sa Pilipinas matapos na 19 na taong polio-free ang bansa.


Agad na nakipag-ugnayan ang DOH sa WHO at UNICEF upang masimulan ang polio vaccination campaign ng gobyerno.


Nitong unang buwan ng taon, ayon sa DOH nasa 72.9 porsiyento o mahigit sa 3.4 milyong mga bata ang nabakunahan laban sa polio kasabay ng kampanya nito na isinagawa noong February.


“This is a major win for public health and is an excellent example of what collective efforts can attain, even in the midst of the COVID-19 pandemic,” ani WHO Philippine Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe.


“We must keep the momentum and accelerate routine immunization and safeguard essential child health services while rolling out COVID-19 vaccines for priority groups,” sabi naman ni UNICEF Philippines Representative Oyunsaikhan Dendevnorov.


Gayundin, upang mapanatili ang ginawang pagsugpo sa sakit, inirekomenda ng WHO sa DOH na bigyan ng higit na prayoridad para sa de-kalidad na poliovirus surveillance, magdebelop ng quarterly surveillance desk reviews, at maglaan ng proteksiyon para sa mga workers na kasama sa vaccination efforts.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 7, 2021


ree

Sinimulan na ngayong Lunes ang COVID-19 vaccination sa mga economic frontliners o A4 priority group.


Nagsagawa ang pamahalaan ng symbolic vaccination sa 50 katao mula sa tourism, transportation, mass media, food service, business process outsourcing (BPO) industry, atbp. sa Pasay City.


Kabilang ang TV hosts na sina Iya Villania at Drew Arellano sa mga nakatanggap ng first dose ng bakuna kontra COVID-19 na itinurok ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.


Samantala, uunahin ang pagbabakuna sa mga A4 group na nasa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Pampanga, Batangas, Cebu, at Davao.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page