top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 17, 2021


ree

Nanawagan si Senate President Vicente Sotto III sa Department of Health (DOH) ngayong Huwebes at pinaalalahanan ito hinggil sa paggamit ng face shield dahil aniya, sumang-ayon na si Pangulong Rodrigo Duterte na sa mga ospital na lamang magsuot nito.


Tweet ni Sotto, "Last night, the President agreed that face shields should only be used in hospitals. Allowed us to remove ours! Attn DOH!"


Matatandaang sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na maaaring alisin na ang mga face shields kapag nasa labas dahil sa mababang panganib ng transmission ng COVID-19 sa mga open spaces.


Ngunit iginiit naman kamakailan ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang patuloy na paggamit ng face shield dahil mababa pa ang bilang ng mga nababakunahan kontra-COVID-19.


 
 

ni Lolet Abania | June 14, 2021


ree

Hindi pa naipapamahagi ng Department of Health (DOH) ang pinakabagong shipment ng Sinovac COVID-19 vaccine dahil hinihintay pa ng ahensiya ang pagsusumite ng isang certificate mula sa Chinese drugmaker.


Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa nai-release ng Sinovac ang certificate of analysis para sa karagdagang 1 milyong doses na nai-deliver sa Pilipinas noong nakaraang linggo.


“We cannot distribute or transport these vaccines to specific recipients... kung hindi kumpleto ang dokumento namin,” ani Vergeire sa isang briefing.


Noong nakaraang buwan, naantala rin ang pamamahagi ng Sinovac doses sa mga vaccination sites dahil sa kakulangan ng pareho ring certificate.


Samantala, ayon kay Vergeire, ang pag-distribute ng 2.2. milyong Pfizer doses na na-deliver kamakailan sa bansa ay sisimulan na.


Aniya, batay na rin kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., ang 40% ng bagong Pfizer shipment ay mapupunta sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas at Rizal, kung saan ang COVID-19 infections ay napakataas, habang ang natitirang 60% ay ide-deploy sa ibang mga lugar na may mataas na bilang ng COVID-19 cases.


Sinabi rin ni Vergeire na ang lahat ng 2 milyong AstraZeneca doses na mag-e-expire sa katapusan ng Hunyo at Hulyo ay naipamahagi at na-administer na rin.


Mahigit sa 4.6 milyong indibidwal ang nabakunahan na hanggang nitong Hunyo 8, malayo pa rin sa target ng gobyerno na maturukan ng COVID-19 vaccines ang 50 milyon hanggang 70 milyong Pilipino ngayong taon.


 
 

ni Lolet Abania | June 13, 2021



ree

Dalawang milyon pa lamang mula sa populasyon na 109.48 milyong Pilipino ang nakatanggap ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines o fully vaccinated na halos tatlong buwan matapos simulan ng pamahalaan ang programa ng pagbabakuna sa bansa.


Ito ang ibinigay na ulat ni Department of Health (DOH) Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega hinggil sa pinakabagong bilang at updates ng vaccination program ng gobyerno.


“This will take a long time because we know that as of now, we have only fully vaccinated around 2% of our population. That's far from our target before the end of the year on vaccinating 50% to 70% of [the population],” ani Vega sa isang radio interview ngayong Linggo.


Ayon kay Vega, para makamit ang tinatarget na bilang, kinakailangang 500,000 indibidwal ang mabakunahan araw-araw. Gayunman, aminado si Vega na ang kakulangan sa supply ng vaccines ang nagiging dahilan kaya naantala at tumatagal ang pagbabakuna ng COVID-19 sa mga mamamayan.


Matatandaang humingi ng paumanhin si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., dahil sa pagka-delay ng delivery ng bakuna sa ilang local government units (LGUs).


Ayon kay Galvez, tinatayang 10 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 ang ide-deliver sa bansa nitong Hunyo at 11 milyon naman ang darating sa Hulyo.


Batay sa datos ng gobyerno noong 2020, ang Pilipinas ay may populasyon na 109.48 milyon, habang inaasahang pumalo ito ng 110.88 sa katapusan ng 2021.


Samantala, ipinaliwanag ni Vega na ang transportation at temperature ang nagiging rason kaya nagkakaroon ng pagkaantala sa delivery ng bakuna sa ilang mga probinsiya.


Payo ni Vega, ang mga bakuna na AstraZeneca, Sinovac at iba pang vaccine brands na hindi sensitibo sa tinatawag na storage temperatures ay maaaring dalhin sa mga malalayong lugar sa bansa para mabakunahan ang mga kababayan natin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page