top of page
Search

ni Lolet Abania | July 22, 2021


ree

Umabot na sa kabuuang 47 ang tinamaan ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 matapos na ma-detect ang 12 local cases nito, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Huwebes.


Batay sa datos ng DOH, kabilang sa 12 local cases, 3 dito ay mula sa Metro Manila, 6 sa Region 3, 2 mula sa Calabarzon, at 1 sa Region 5.


“All cases have been tagged as recovered but their outcomes are being validated by our regional and local health offices,” ayon sa isang statement ng DOH.


“Enhanced response is needed in areas where new Delta variant cases were detected as well as in other areas seeing an uptick in infections, with the premise that there may be ongoing local transmission already,” dagdag ng ahensiya.


Iminungkahi rin ng DOH sa mga local authorities na dagdagan ang bilang ng mga samples na ipinadadala para sa genome sequencing, lalo na sa mga lugar na nakapagtala ng pagtaas o dumaraming kaso ng infections.


Gayunman, sinabi ng DOH na sa 47 kaso ng Delta variant, 36 dito ang nakarekober na, 3 ang nasawi habang walo ang nananatiling active case.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 20, 2021


ree

Walong Pinoy ang nagpositibo sa COVID-19 Delta variant matapos sumailalim sa RT-PCR retesting, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Martes.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, asymptomatic ang mga ito at sa naturang bilang, 4 ang mula sa Cagayan de Oro, isa sa Manila, 1 sa Misamis Oriental, at dalawa ang returning overseas Filipinos.


Saad pa ni Vergeire, “Lahat sila ay walang sintomas. Sila ay mino-monitor ngayon hanggang matapos nila ang 14-day quarantine.”


Sa ngayon ay 35 na ang naitatalang kaso ng Delta variant sa bansa kung saan 3 ang naiulat na nasawi habang ang iba pa ay nakarekober na.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 19, 2021


ree

Naitala ang kaso ng COVID-19 Delta variant sa Taguig City, ayon kay Safe City Task Force Head Clarence Santos.


Ngunit, kaagad namang nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi ito local case.


Saad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “Wala po tayong na-detect na local case sa Taguig. What the City of Taguig was mentioning was a returning overseas Filipino (ROF) na na-detect-an ng variant at ang kanyang permanent residence is in Taguig.”


Samantala, sa kabuuan ay mayroon nang 35 kaso ng Delta variant sa bansa, kabilang ang 16 bagong kaso na inianunsiyo ng DOH kamakailan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page