top of page
Search

ni Lolet Abania | December 18, 2021


ree

Mahigit sa 2.3 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang na-administer ng gobyerno sa ikalawang round ng kanilang national vaccination drive na ‘Bayanihan Bakunahan,’ ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).


Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na nasa kabuuang 2,369,216 doses ang naiturok na COVID-19 vaccine sa ginanap na “Bayanihan Bakunahan 2” noong Disyembre 15 hanggang 17.


“This is 31% our total target seven million,” ani Cabotaje na pinaghalong Tagalog at Ingles na lengguwahe. Sa kabuuan, 1.65 milyon doses ang na-administer noong Disyembre 15, habang 759,028 at 544,539 ang naibigay naman noong Disyembre 16 at 17, batay sa pagkakasunod.


Ayon sa DOH, inasahan na nila ang mababang bilang ng mga nabakunahan kontra-COVID-19 sa second round ng national vaccination drive dahil sa isinuspinde ito sa ilang lugar sa bansa sanhi ng Bagyong Odette.


Habang inaprubahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na i-reschedule na lamang ang vaccination drive sa ilang lugar na apektado ni Odette sa Disyembre 20 hanggang 22.


Ayon sa DOH, na-postponed ang vaccination drive sa mga lugar sa Regions V, IV-B, VI, VII, VIII, IX, X, XI at XII, gayundin sa Caraga at sa Bangsamoro regions.


 
 

ni Lolet Abania | December 15, 2021


ree

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa bansa matapos na ma-detect ito mula sa dalawang international travelers.


Ayon sa DOH, ang isang kaso ay returning overseas Filipino (ROF) na dumating sa bansa mula sa Japan noong Disyembre 1 via Philippine Airlines flight number PR 0427.


Habang ang isa pa ay isang Nigerian national na dumating sa Pilipinas mula sa Nigeria noong Nobyembre 30 via Oman Air flight number WY 843.


Sa isang mensahe sa mga reporters, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isa sa kanila ay fully vaccinated kontra-COVID-19 habang ang isa ay hindi.


Sinabi ng ahensiya na parehong sumasailalim na sa isolation sa isang pasilidad na mina-manage ng Bureau of Quarantine ang mga pasyente.


Paliwanag ng DOH, ang dalawang kaso ay na-detect mula sa latest run na na-sequence mula sa 48 samples, kabilang na ang 21 returning overseas Filipinos (ROFs), isang foreign national, at 26 local cases mula sa mga lugar na may case clusters.


Ang sample ng ROF ay nakolekta noong Disyembre 5. Siya ay nagpositibo sa test sa COVID-19 noong Disyembre 7 habang na-admit sa isang pasilidad sa parehong araw.


“He is currently asymptomatic but had symptoms of colds and cough upon arrival,” ani DOH.


Ang sample naman ng Nigerian national ay nakolekta noong Disyembre 6, habang ang positive result nito ay nailabas noong Disyembre 7. Siya ay asymptomatic na isinailalim sa quarantine sa pareho ring araw.


“The DOH is determining possible close contacts among co-passengers during the flights of these two cases,” pahayag ng DOH sa isang statement.


Ayon sa DOH, bineberipika na rin nila ang mga test results at health status ng lahat ng pasahero ng mga flights upang madetermina kung may iba pang kumpirmadong kaso o kung mayroong naka-develop ng sintomas matapos na dumating sa bansa.


Pinapayuhan naman ang mga travelers mula sa mga flights na makipag-ugnayan sa DOH sa pamamagitan ng DOH COVID-19 Hotlines sa (02) 8942 6843 o 1555, o sa kanilang mga local government units (LGUs) para i-report ang kanilang status.


“With the detection of the imported cases of Omicron variant, the Department also urges everyone to adhere to the minimum public standards,” sabi ng DOH.


“Moreover, this holiday season, the public should avoid holding mass gatherings to curb the transmission of COVID-19. The DOH also urges those unvaccinated to get vaccinated,” dagdag pa ng ahensiya.


 
 

ni Lolet Abania | December 10, 2021


ree

Ang pagkamatay ng tatlong kabataan na edad 12 hanggang 17 na nakatanggap ng COVID-19 vaccines ay nasawi dahil sa sakit at hindi sanhi ng kanilang pagbabakuna laban sa coronavirus, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.


Sinabi ni DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na patuloy ang isinasagawang case investigation at causality assessment ng ahensiya sa nangyaring insidente.


“Unang-una po kinakalungkot po natin at nakikiramay tayo sa mga pamilyang nagkaroon ng pagkamatay pero lagi po nating tatandaan na hindi lang po bakuna ang maaaring maging cause nitong ating sinasabing pagkamatay pagkatapos mabakunahan,” sabi ni Vergeire sa mga reporters .


“Base sa initial reports natin, ito pong 3 katao na nagkaroon po ng bad outcome o namatay after receiving their vaccines died of other diseases. One died because of non-COVID-19 pneumonia, another died because of dengue, and another died because of tuberculosis,” giit ni Vergeire.


Ang pagkasawi ng mga menor-de-edad ay kabilang sa mga reports ng Food and Drug Administration (FDA) ng suspected adverse reaction sa COVID-19 vaccine na ini-release noong Nobyembre 28.


“Reports of fatal events does not necessarily mean that the vaccine caused the events. Underlying conditions or pre-existing medical conditions causing fatal events are usually coincidental on the use of the vaccine,” ayon sa report.


“Most of these events occurred in persons with multiple existing comorbidities. These include cardiovascular diseases, ischemic heart diseases, cerebrovascular diseases, cancer, diabetes, and infections including pneumonia,” batay pa sa report.


Giit ni Vergeire, pinag-aaralan na rin ng mga eksperto sa Pilipinas ang vaccine developments sa ibang mga bansa, gaya ng US’ approval ng Pfizer booster shots para sa mga edad 16 hanggang 17 subalit nananatiling prayoridad pa rin ang populasyon ng mga hindi pa bakunadong indibidwal.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page