top of page
Search

ni Lolet Abania | April 4, 2022


ree

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa World Health Organization (WHO) hinggil sa XE, ang posibleng bagong coronavirus variant na iniuugnay sa mas transmissible na Omicron.


“The DOH is in constant coordination with WHO regarding the reported ‘Omicron XE’ detected in Bangkok, Thailand,” ayon sa DOH sa isang mensahe sa mga reporters.


“Observation and monitoring are still ongoing on whether the variant would be categorized as a sub-variant of Omicron or a new variant to be named by WHO should it display any significant change in characteristics,” dagdag pa ng ahensiya.


Ayon sa WHO, “The XE recombinant is a mutant of the BA.1 and the BA.2 sub-variants of Omicron.”


Sinabi pa ng WHO na ang XE ay nabibilang sa Omicron variant hanggang anila, “significant differences in transmission and disease characteristics, including severity, may be reported.”


Samantala, patuloy din ang DOH sa pagmo-monitor ng mga case trends at katuwang naman ang Philippine Genome Center (PGC).


“In this light, the DOH reminds the public that vaccines, in addition to adhering to the minimum public health standards and now, more importantly, everyone, especially our elderly, the immunocompromised, those with comorbidities, and children are highly encouraged to get vaccinated and boosted,” saad ng ahensiya.


 
 

ni Lolet Abania | March 17, 2022


ree

Ipinaalala ng Department of Health (DOH) sa publiko na dapat na laging may dalang inuming tubig o bottled water at kung maaari ay maglagay ng sunblocks kapag nasa labas ng bahay, lalo na ngayong opisyal na nagsimula ang dry season.


Sa Laging Handa briefing ngayong Huwebes, sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ang palagiang pag-inom ng tubig sa gitna ng panahon ng tag-init ay makatutulong na makaiwas ang lahat sa mga sakit gaya ng heat stroke.


“Pagka ang summer andito na, ang lagi nating paalala sa mamamayan ay lagi ‘yung dehydration. Laging uminom ng tubig, iwasan ‘yung sobra o labis na exposure sa init ng araw dahil magkakaroon po tayo ng heat stroke o heat exhaustion,” pahayag ni Duque.


Una nang inanunsiyo ng PAGASA nitong Miyerkules, ang pormal na pagsisimula ng dry season sa bansa. Ayon kay Duque ang mga matatanda ay mas prone sa dehydration dahil sila ay nagkukulang na rin sa tinatawag na thirst sensation.


“‘Yung thirst sensitivity nila ay hindi na katulad natin o ng mga bata na kung nauuhaw, madali kaagad maramdaman ‘yung uhaw. Sa mga matatanda, nahihirapan silang maramdaman ‘yung uhaw. Kaya kahit wala nang tubig, hindi pa rin humihingi ng tubig,” paliwanag ni Duque.


“Kaya dapat sa kanilang mga kapamilya, i-offer mo, bigyan mo na kaagad ng tubig. ‘Yung baso dalhin mo na kaagad doon sa iyong lolo o lola o sa auntie o uncle mo na nakatatanda para maiwasan itong dehydration na maraming komplikasyon na pwedeng idulot,” dagdag ng opisyal.


Aniya, maaari ring pakuluan ang tubig ng tatlong minuto upang makatiyak na ito ay malinis at ligtas na inumin para maiwasan na tamaan ng typhoid fever, cholera, Hepatitis A, o iba pang mga sakit.


Sinabi rin ni Duque na ang sunburn ay posibleng maiwasan kung ang mga kailangang lumabas ng bahay ay gagawin ito nang mas maaga o bandang mga hapon na. Maganda ring gumamit ng payong at mag-apply ng tamang dami ng sunblock sa katawan.


“’Wag na ‘yung from 10 [a.m.] to 3 o’clock ay lumalabas at lalo na kung hindi naman maiwasan, kailangan maglagay ng sunblock,” sabi pa ni Duque.


 
 

ni Lolet Abania | March 5, 2022


ree

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na hindi pa kailangan na imandato ang COVID-19 booster shots sa publiko sa ngayon, habang anila, marami pang paraan para ikampanya ang isinasagawang vaccination drive sa bansa.


Ito ang naging tugon ng DOH, matapos ang suhestiyon ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na ang COVID-19 booster cards ay gawing mandatory sa mga establisimyento sa mga lugar na isinailalim sa Alert Level 1 o sa mga lugar na ang pag-administer ng mga primary series ng pagbabakuna ay natapos na.


Ngayong linggo, ang Metro Manila at 38 iba pang lugar ay isinailalim sa pinakamababang COVID-19 alert level system na kinokonsidera na ring nasa “new normal”, para makaahon na sa pagkalugmok ng ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya.


“Naiintindihan natin kung saan... Ang perspektibo [ni Concepcion] gusto niya ng full protection pero sa ngayon, ang ating gagawin ay magbibigay tayo ng information at pakikiusapan ang business sector,” sabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang televised briefing ngayong Sabado.


“Ang gagawin natin ay i-strengthen natin ang advocacy . . . [Ang government agencies] at partners natin sa private sectors ay pag-iibayuhin ’yung communication and advocacy to increase the uptake of booster,” paliwanag ng opisyal.


Una nang sinabi ni Cabotaje na ang National Vaccination Days na gagawin ngayong buwan ay magpo-focus sa mga residential houses at workplaces o pinagtatrabahuhan, kung saan naging matagumpay ito sa ilang lugar sa bansa.


Aminado naman ang opisyal na nananatiling mabagal ang pagbabakuna kontra-COVID-19 nitong mga nakaraang linggo. Hanggang ngayong linggo, nasa tinatayang 63 milyong indibidwal ang fully vaccinated na o 70 percent ng target ng gobyerno na 90 milyong Pilipino. Nasa mahigit 10.1 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page