top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 16, 2021


ree

Inilikas ang 32 Pilipino sa Afghanistan dahil sa lumalalang tensiyon matapos pasukin ng militanteng grupong Taliban ang capital city ng naturang bansa na Kabul.


Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), inaayos at pinoproseso na ang pagpapauwi sa mga Pinoy na nananatili pa sa Kabul, Afghanistan.


Saad pa ng DFA, “The Department and its Foreign Service Posts in the region and beyond are exploring all avenues of cooperation and are closely coordinating with governments and international partners to guarantee their immediate and safe passage.”


Ang mga inilikas na 32 Pinoy ay kasalukuyan na umanong nasa Doha at naghihintay ng flights pauwi sa Pilipinas at mayroon pang 19 Pilipino na nakatakda nang umalis ng Afghanistan.


Una nang itinaas ng DFA ang Alert Level 4 sa Afghanistan dahil sa walang katiyakang seguridad sa bansa.


Samantala, nananawagan ang DFA sa iba pang mga Pinoy sa Afghanistan na makiisa sa isinasagawang repatriation effort ng ahensiya.


Saad pa ng DFA, kontakin lamang ang +923335244762 sa Whatsapp/Viber sa mga Pilipino na nangangailangan ng tulong.


Maaari rin umanong kontakin o i-message ang facebook.com/atnofficers.islamabadpe o facebook.com/OFWHelpPH at ang email na isbpeatn@gmail.com.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 7, 2021


ree

Balik-‘Pinas na ang 202 Pinoy mula sa Macau na naapektuhan ng COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).


Saad ni Philippine Consul General to Macau SAR Porfirio Mayo, Jr., “Tuluy-tuloy po ang assistance ng Consulate sa lahat ng Pilipino sa Macau na nais umuwi ng Pilipinas.”


Samantala, ayon sa DFA, ang susunod na repatriation flight ay naka-schedule sa Biyernes, Agosto 13.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 20, 2021


ree

Pinauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 150 overseas Filipinos na apektado ng COVID-19 pandemic sa Bangladesh, ayon sa ahensiya.


Noong June 15, dumating sa Davao International Airport ang mga naturang Pinoy.


Saad ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, "Following the instruction by President Duterte and as recommended by Secretary Locsin, the DFA is providing financial assistance meant to alleviate their anxieties and help them start anew here in our country.”


Samantala, ayon sa DFA, bibigyan ang mga napauwing Pinoy ng libreng swab test at libreng pananatili sa quarantine facility, gayundin ng P10,000 reintegration assistance.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page