top of page
Search

ni Lolet Abania | March 14, 2022



Posibleng pumalo ng hanggang P86.72 kada litro ang presyo ng gasolina habang P81.10 kada litro sa diesel kapag patuloy ang pagtaas ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado, ayon sa Department of Energy (DOE).


“This is not just a problem of the executive department. This is a problem of course that will be a problem of all sectors in the government. We have a framework where we have the objective of fair pricing, but still we are unable to do that,” paliwanag ni DOE Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. sa hearing ng Senate Committee on Energy ngayong Lunes hinggil sa epektong dulot ng krisis sa Russia at Ukraine sa suplay at presyo ng langis sa Pilipinas.


Umabot na sa 10 sunud-sunod na linggo ang pagtaas ng presyo ng krudo sa bansa, habang may nakaamba pang bigtime oil price hike sa Martes.


Una nang nagbigay ng forecast ang Unioil Petroleum Philippines nitong weekend, na ang presyo ng kanilang produktong petrolyo mula Marso 15 hanggang 21 ay posibleng tumaas ng P12.20-P12.30 kada litro sa diesel, at P6.80-P7.00 kada litro sa gasolina.


Ayon sa DOE, itinakda na ang Dubai crude price ay nasa $80 kada barrel lamang bilang pamantayan sa panahon ng krisis, pero ang presyo ng langis ay umabot na sa $120.34 kada barrel hanggang nitong Marso 14, 2022.


Babala ni Erguiza, kapag patuloy ang pagtaas ng krudo sa global market at umabot ang Dubai crude oil sa $140 kada barrel, posibleng pumalo ang presyo ng gasolina ng P86.72 kada litro, P81.10 kada litro sa diesel, at P80.50 kada litro sa kerosene sa mga lokal na pamilihan.


“The DOE has been strictly monitoring the sufficiency of supply, the quality of what’s being sold in the market… We want to assure the public that our supply is sufficient and what is really the problem is the cost of fuel,” giit ni Erguiza.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 28, 2021



Nasa mahigit 2 milyong residente pa rin sa Visayas at Mindanao ang walang kuryente 11 araw matapos manalasa ang bagyong Odette, batay sa datos ng National Electrification Administration.


Hanggang ngayon ay limitado pa lamang ang mga lugar na may kuryente sa Cebu at Bohol.


Ayon sa Visayan Electric Company (VECO), ibabalik nila ang 80 percent ng suplay sa buong franchise area sa January 10, 2022.


85% naman ng nasirang transmission line ang nakumpuni na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).


Pero kahit matapos nila ang pag-aayos bago matapos ang taon, problema pa rin ang koneksiyon naman ng mga residente sa kooperatiba o utility dahil marami ring posteng natumba.


Ayon sa Department of Energy, sinubukang gamitin ang diesel powered plant sa Bohol noong Disyembre 23 pero pumalya ito.


"We will try again sa Dec. 31 kasi nasunog 'yung switch gear ng power plant, sana maayos na," paliwanag ni DOE Undersecretary Wimpy Fuentebella.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 21, 2021



Nakatakdang magsagawa ng inspeksyon ang Department of Energy (DOE) sa mga gasolinahan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.


Ito ay kaugnay ng halos pagdoble umano ng singil sa presyo ng produktong petrolyo sa ilan sa mga nasabing lugar.


Ayon kay DOE Director of Oil Industry Management Bureau Atty. Rino Abad, magsasagawa ng actual gasoline station inspection ang kagawaran sa mga apektadong lugar.


Nakatakda na ring magtatatag ng verified price sa mga gasoline station ang DOE.


Paliwanag ni Atty. Abad, mahaharap sa kaukulang kaparusahan ang sinumang mahuling nagtakda ng sobrang presyo sa kerosene at household liquified petroleum gas.


Mayroon ding batas tulad ng Price Act at Consumer Act na may probisyon na magpataw ng parusa gaya ng pagmumulta at pagkakakulong sa sinumang lumabag dito.


Matatandaang kamakailan lang ay nilinaw ng mga kinauukulan na hindi dapat kabilang sa itinakdang pinakabagong oil price hike ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page