top of page
Search

ni Lolet Abania | March 9, 2022


ree

Ipinahayag ng Department of Budget and Management (DBM) na pinoproseso na ang pagpapalabas ng pondo para sa fuel subsidies na nakalaan sa public transport utility at sa sektor ng agrikultura.


“Minamadali na namin ang pag-release nu’ng pondo. In fact, we expect na within this week [or] at the latest early next week ang pagre-release nito,” sabi ni DBM officer-in-charge Undersecretary Tina Rose Canda sa Laging Handa briefing ng state-run na PTV ngayong Miyerkules.


Sa ilalim ng 2022 budget, nasa P2.5 bilyon ang alokasyon para sa Fuel Subsidy Program (FSP) ng Department of Transportation (DOTr).


Habang ang budget naman ng Department of Agriculture (DA) ay P500 milyon na magbibigay assistance sa pamamagitan ng fuel discounts sa mga magsasaka at mangingisda, kung saan sarili nilang pag-aari at nag-o-operate ng agricultural at fishery machinery o nag-o-operate ng isang organisasyon ng mga magsasaka o kooperatiba.


Gayunman, ang paglalabas ng pondo ay maaaring mag-triggered kung ang presyo ng Dubai crude oil sa tatlong magkasunod na mga buwan ay mag-average o mag-exceed ng $80 per barrel.


Ibig sabihin nito, ang datos para sa buong buwan ng Marso ay mananatiling kailangan upang matukoy ang 3-buwang average ng Dubai crude oil.


Para makaiwas sa tinatawag na “three-month rule,” ayon kay Canda, ang Department of Energy (DOE) ay nag-adjust ng kanilang computation para isama ang December crude oil price data sa kuwentahan nito.


“Ang DOE na ang nag-decide na isama sa computation ‘yung December so December, January, February.


Kasi kung halimbawa hintayin ‘yung three months dapat [sa] Abril pa ‘yun mare-release,” paliwanag ni Canda.


Nitong Lunes ng gabi, inanunsiyo ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Karl Chua na ang fuel subsidy para sa public utility vehicles (PUV) sector ay maaaring itaas sa P5 bilyon mula sa P2.5 bilyon para aniya, makabawas sa matinding epekto ng sobrang oil price hike dulot ng sigalot ng Ukraine at Russia.


Ang first tranche, na ang inisyal na P2.5 billion budget, ay target na mai-distribute nitong Marso habang ang second tranche naman ay sa Abril.

 
 

ni Lolet Abania | July 15, 2021


ree

Binawasan na ang mga itinalagang contact tracers na mula sa dating 50,000 ay naging 15,000 na lamang.


Ayon sa isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ito ay dahil sa kakulangan sa pondo.


Sinabi ni DILG Assistant Secretary Odilon Pasaraba, hiniling na rin ng ahensiya na mabigyan sila ng karagdagang pondo para makapag-hire ng maraming contact tracers.


“We used to have 50,000 at dahil sa budget, nag-reduce tayo ng 15,000 contract tracers na lamang,” ani Pasaraba sa Laging Handa briefing ngayong Huwebes.


Gayunman, ayon kay Pasaraba, ang Department of Budget and Management ay magbibigay ng karagdagang budget para sa contact tracing.


Matatandaang sinabi ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Bejamin Magalong na ang ideyal na ratio ng para sa urban setting ay dapat 1:30 to 37 habang para sa rural areas naman ay 1:25 to 30.


Ayon kay Pasaraba, tinatarget na ng ahensiya ang makamit ang 1:10 contact tracing ratio na ini-require naman ng Department of Health.


 
 

ni Lolet Abania | March 30, 2021



ree

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes ang bagong special amelioration program para sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus bubble gaya ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.


Sa weekly talk to the people ni Pangulong Duterte, ayon kay Budget Secretary Wendell Avisado, may kabuuang 22.9 milyong low-income na indibidwal ang makakatanggap ng P1,000 in kind sa ilalim ng dole out program.


Binanggit din ni Avisado na ang Department of Budget and Management ay agad na magpapalabas ng P22.9 billion pondo na ibibigay sa mga local government units na nasa NCR Plus bubble para sa distribusyon ng mga goods.


Ang benepisyong ito ay limitadong matatanggap ng pamilyang may apat na miyembro lamang.


Samantala, hindi nabigyang-linaw ng Pangulo kung anong tulong ang maibibigay sa mga pamilyang may 5 miyembro at higit pa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page