top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 30, 2021


ree

Iginiit ng Samahang Industriya ng Magsasaka (SINAG) na dapat ay agad hulihin ang mga nasa likod ng pagpupuslit ng iba't ibang gulay sa bansa.


“Alam naman nila kung saan galing bakit hindi nila hulihin? Napapasama dito magsasaka natin lalo na nag-aani sila tapos ibebenta sa Metro Manila at other part of Luzon. Ang nangyayari flooded naman ito ng imported,” sabi ni SINAG president Rosendo So.


“'Yung mga retailer hindi nila alam na bawal 'yung galing China na carrots kasi pati box nilalagay nila doon sa display so ibig sabihin hindi nila alam na illegal na pumasok ito,” dagdag niya.


Kalat na ngayon ang iba’t ibang imported na gulay sa mga palengke kaya ayon sa SINAG, umaaray na ang mga lokal na magsasaka dahil sa pagdami ng imported na gulay sa merkado.


Bukod sa carrots, nagkalat din sa mga palengke ang iba pang imported na gulay tulad ng broccoli, luya at repolyo.


Posibleng ginamitan din ng pesticide at formalin ang mga gulay para magmukhang fresh pa ang mga ito kahit dumaan sa matagalang biyahe.


“Yung shipment lang from China to Philippines mga 7 days na yun and kung nakikita natin 'yung mga display ang sinasabi ng mga retailer mas matagal pa, tumatagal 'yung imported compared sa local. 'Yun ang isang dapat ma-check kasi wala tayong pagsusuri sa mga dumarating, kung ang mga produkto ba na ito is safe or may chemical contamination. Dapat kasi 'pag pumasok pa lang sinusuri na 'yan pero hindi ginagawa ng Department of Agriculture,” giit ni So.


“Para once and for all hindi na ito mapunta sa palengke, dapat 'yung source hulihin,” dagdag niya.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 26, 2021


ree

Dumadaing ang mga magsasaka sa Benguet dahil apektado ang kanilang mga produkto sa pagdagsa ng carrots mula sa China.


“Sa ngayon, talamak na kasi. Halos lahat ng markets dito ay marami nang smuggled or imported na mga carrots talaga,” ayon kay Agot Balanoy, presidente ng kooperatiba sa isang panayam.


“We call them smuggled kasi sabi naman ni BPI [Bureau of Plant Industry] wala silang in-approve na permit na magpapasok ang Pilipinas ng mga imported vegetables. Therefore, it must be smuggled,” dagdag niya.


Bukod sa mas mura at malalaki ang carrots na galing sa China, mas matagal din daw mabulok ang naturang gulay na ipinuslit sa bansa.


Kaya para hindi malugi ang mga nagtitinda ng mga carrots na galing sa Benguet sa Divisoria, ibinababa na nila ang presyo nito.


Nasa P50 per kilo ang imported carrots kumpara sa Benguet carrots na nasa P60 hanggang P70, at kung minsan ay umaabot pa ng P120 per kilo.


Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA), na walang inaprubahang import permits ang Bureau of Plant Industry para sa carrots.


Kaugnay nito, nilinaw din ng DA na maganda ang kalidad ng mga gulay na galing sa Pilipinas.


“‘Yan ang hindi ko nga alam, eh, kasi mura lang naman ang carrots, eh. Napakamura so hindi natin malaman kung bakit mayroon ganyan… Kung ganyan baka smuggled or whatever,” ayon kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes.


Nakikipag-ugnayan na ang DA sa ibang ahensiya kaugnay sa mga imported na carrots.

 
 

ni Lolet Abania | May 8, 2021



ree

Inaasahang ilalabas ang suggested retail price (SRP) ng mga imported na baboy sa susunod na linggo, ayon sa Department of Agriculture (DA).


Sinabi ni DA Chief William Dar, kabilang ang mga senador, susuriin at susumahin nila ang presyo nito ayon sa napagkasunduang taripa.


Aniya, nakikipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa Department of Trade and Industry (DTI) hinggil dito. “Well, ang presyo po base dito sa pinal na ibinaba na taripa, we are now making the calculations and we are doing this in tandem, in partnership with the DTI so, baka next week i-announce namin ang suggested retail price,” ani Dar.


Matatandaang nag-isyu si Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order hinggil sa taripa ng mga imported na baboy. Subalit, ilang kongresista ang pormal na nagpasa ng resolusyon upang ipabawi ito kay Pangulong Duterte.


Gayunman, nagkasundo na ang DA at mga mambabatas sa ipinatupad na taripa sa dahilang maaaring makaapekto ito sa local hog industry.


Sinimulan ng pamahalaan ang pag-angkat ng imported na baboy sa kasagsagan ng pagdami ng kaso ng African swine fever (ASF) na labis na nakaapekto sa suplay nito sa bansa ng mga lokal na magbababoy.


Samantala, ayon kay Dar, posibleng bumuhos naman ang suplay sa bansa ng mga imported na isda, gulay at bigas habang sa ngayon ay sapat pa ang mga ito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page