top of page
Search

ni Lolet Abania | October 25, 2021



Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong Lunes ng 380 karagdagang kaso ng mas nakahahawang Delta variant at unang kaso ng B.1.1.318 variant na unang na-detect sa Mauritius.


Sa isang media briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa ngayon ay nakapag-sequenced na sila ng 746 samples na nakolekta noong Marso, Abril, Setyembre at Oktubre.


Sa naturang bilang, 380 o kalahati ay nagpositibo sa test sa Delta variant, 166 naman ay tested positive sa Beta variant, 104 ang nagpositibo sa test sa Alpha variant, at isang kaso ang nagpositibo sa test sa B.1.1.318 variant.


Ayon kay Vergeire, ang pasyente ay isang 34-anyos na lalaki na dumating sa Pilipinas noong Marso 5 na may travel history mula sa United Arab Emirates at nakarekober na mula sa respiratory illness noong Marso 21.


Aniya, may local address ito na Bacolod City, Negros Oriental. Ang kanyang sample naman ay nakolekta noong Marso mula sa Philippine Red Cross laboratory.


Sinabi naman ni Vergeire na ang B.1.1.318 ay kinaklasipika bilang variant under investigation ng World Health Organization (WHO) noong Hunyo 2, kung saan unang na-detect sa Mauritius, isang bansa na bahagi ng East Africa.


“It has 14 mutations in the spike region. Kasama po dito ang mutations na nakita sa Delta and Beta variant. So ibig sabihin, pinag-araalan po itong maigi ng WHO, ng mga international experts dahil itong mutations na ito ay maaaring makaapekto rin sa efficacy ng bakuna at transmission ng sakit,” paliwanag ni Vergeire.


“Again, let me just reiterate, it’s a variant under monitoring. Lahat po pinag-aaralan sa ngayon. Wala po tayong cause to panic. Kailangan lang po maging vigilant tayo lahat ang follow our minimum public health standards,” giit pa ni Vergeire.


Dagdag ng kalihim, nakapag-sequenced na ang bansa ng kabuuang 17,893 samples, kung saan 15,882 dito ay tinatawag na assigned lineages.

 
 

ni Lolet Abania | October 18, 2021



Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 633 bagong kaso ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 ngayong Lunes.


Sa isang media briefing, sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa latest run nitong Oktubre 16 ay nakapag-sequenced ng kabuuang 748 samples mula noong Setyembre.


Sa mga nakuhang sample, 633 ang nagpositibo sa test sa Delta variant, anim na kaso ay positibo sa test sa Beta variant, at tatlo naman ang nagpositibo sa test sa Alpha variant.


Ayon kay Vergeire, may kabuuang 17,147 samples na ang kanilang na-sequenced, kung saan 88.46% o 15,168 ang nasa lineage.


Nananatili naman ang Delta variant sa tinatawag na most common lineage mula sa lahat ng mga samples sequenced sa buong bansa na nasa 29.2%.


“All 17 regions either have an Alpha, Beta, or a Delta variant case. In the National Capital Region, all cities and the lone municipality were found to have a variant of concern,” ani Vergeire.

 
 

ni Lolet Abania | October 11, 2021



Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 411 bagong kaso ng mas nakahahawang Delta variant ngayong Lunes.


Sa isang media forum, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pinakabagong isinagawang sequencing nitong Oktubre 8 ay may kabuuang 747 samples na nakolekta noong Pebrero, Abril, Mayo, Agosto at Setyembre.


Ayon kay Vergeire, sa mga naturang samples, 88 ang nagpositibo sa test sa Alpha variant habang 78 ang positive sa test sa Beta variant.


“We are doing retrospective sampling to trace the beginning of the Delta variant introduction to the country as well as the earliest cases,” ani Vergeire.


Umabot na sa kabuuang 14,517 samples with lineages ang na-sequenced ng DOH.


Sa bilang na ito, 26.2% ay positibo sa Delta variant na itinuturing na pinaka-common lineage sa buong bansa, 22.8% ang positibo sa Beta variant, at 20.2% naman ang positibo sa Alpha variant.


Samantala, sinabi ni Vergeire na sa 945 sequenced samples mula sa returning overseas Filipinos (ROFs), mayroong 630 ang positibo sa isang variant of concern.


“A gradual increase in the proportion of the variant of concerns with respect for the total samples sequenced has been seen at the national level since the detection of the first local Alpha and Beta variant cases,” sabi ni Vergere.


Aniya, ang variant of concern cases ay binubuo lamang ng 23.2% ng mga samples na nakolekta noong Pebrero.


Subalit, umakyat ito ng 82.8% ng mga samples na nakolekta naman ng Marso.


“This increase has been consistent for the succeeding months,” saad ni Vergeire.


Sa ngayon, ang variant of concern cases ay binubuo ng 97.7% ng mga samples na nakolekta nitong Setyembre.


“It is important to note, however, that only samples with collection dates in September only come from the first two weeks of the month,” wika ng kalihim.


“In addition, similar to other variants of concern, since the detection of the first local Delta variant case collected in April, an increase in the proportion of Delta variant cases were seen in the succeeding months,” sabi pa ni Vergeire.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page