top of page
Search

ni Lolet Abania | June 12, 2022


ree

Hinimatay si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa kasagsagan ng isinasagawang programa sa pagdiriwang ng ika-124 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong Linggo, Hunyo 12 sa Rizal Park sa Maynila.


Sa isang cellphone video, kitang tila nahilo habang tuluyang nawalan ng malay si Lorenzana na dahan-dahang bumabagsak.


Sinubukan naman ni Manila Vice Mayor at incoming Mayor-elect Honey Lacuna na saluhin ang 73-anyos na opisyal at agad ding isinugod sa ospital. Gayunman, ilang oras matapos ang insidente, nag-post na sa kanyang Facebook page si Lorenzana.


Sinabi nitong ang kakulangan ng pahinga ang posibleng sanhi ng kanyang pagkahilo. “My lack of rest and sleep from my recent successive international security engagements may have taken its toll on me. Late na kami nakabalik from Singapore, tapos napakainit pa sa Luneta kanina,” pahayag ni Lorenzana sa isang statement, ilang oras matapos na himatayin ngayong umaga sa naturang okasyon.


“I’m fine now. Just resting since the results of the tests conducted earlier are okay,” saad ni Lorenzana sa isang mensahe na ipinadala niya mula sa ospital. “As the saying goes, a true soldier always gets up quickly after a fall,” dagdag pa niya.


Nagpasalamat naman ang kalihim sa mga nagpaabot ng pag-aalala sa nangyari sa kanya. Kinamusta rin nina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Christopher “Bong” Go via video call si Lorenzana habang sinabi nito sa Pangulo na nasa maayos na siyang kondisyon sa ngayon.


Una rito, pinangunahan ni Pangulong Duterte ngayong Linggo ang paggunita ng bansa sa ika-124 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park sa Manila. Ang okasyon ay may temang “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas,” kung saan pinamunuan ng Pangulo ang flag-raising ceremony at wreath-laying para sa naturang event.


Hiniling ng outgoing Chief Executive sa mga Pilipino na aniya, “take to heart all the humbling learnings from the past, especially the countless hardships that we had to endure as a people.”


 
 

ni Lolet Abania | September 29, 2021


ree

Nasa P57 milyon halaga ng mga medical equipment, suplay at personal protective equipment (PPE) ang ibinigay ng Australian government kahapon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).


Sa isang statement ng AFP ngayong Miyerkules, sina Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP chief Lieutenant General Jose Faustino Jr., ang opisyal na tumanggap ng donasyon ng Australia sa isang ceremony sa Pier 15, South Harbor sa Manila.


Ilan sa mga items na donasyon ng Australia ay high flow oxygen machines, stretchers, defibrillators, disinfection kits, Automated RNA Extraction kit, Viral RNA Extraction kit, RT-PCR Reagents at Detection kit, face masks, face shields, PPE level 3 at level 4 sets, eye protectors at KN95 masks.


Ayon sa AFP, ang mga medical equipment ay ide-deliver sa Victoriano Luna Medical Center (VLMC) bilang suporta sa kanilang COVID-19 response, mga testing efforts at kapasidad para sa hospitalization ng mga minor hanggang sa mga critical patients ng pagamutan.


Sinabi ni Lorenzana na pinalawak ng Defense Cooperation Program ng Australia ang pagtulong sa mga pangangailangan sa COVID-19 pandemic ng mga sundalong Pilipino. “Certainly, these donations will ramp up the day-to-day clinical management and quality of care and service which AFP’s medical arm is expected to provide,” ani Lorenzana.


Labis naman ang kasiyahan ni Australian Ambassador to the Philippines Steven Robinson na nakatulong ang kanyang bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mabilis at agarang suporta sa pangangailangan ng Pilipinas.


“These additional medical and personal protective equipment will be critical in VLMC’s COVID-19 testing efforts, and treatment of COVID patients,” sabi ni Robinson.


Pinasalamatan din ni Faustino ang Australian government at nangakong ang kanilang mga donasyon ay gagamitin sa nararapat at tamang paraan.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 19, 2021


ree


Dinepensahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang desisyon na putulin na ang “long-time agreement” ng naturang ahensiya sa University of the Philippines (UP) na pagbabawal sa pagpasok ng state forces sa mga campuses nang walang koordinasyon sa unibersidad dahil ito umano ay naging “safe haven for the enemies of the state.”


Paliwanag ni Lorenzana sa naturang termination of agreement, “The agreement has become obsolete. The times and circumstances have changed since the agreement was signed in 1989, eight years after the martial law ended. The agreement was a gesture of courtesy accorded to UP upon the University’s request.”


Aniya pa, ang UP umano ay naging “breeding ground of intransigent individuals and groups whose extremist beliefs have inveigled students to join their ranks to fight against the government. “The country’s premier state university has become a safe haven for enemies of the state.”


Ayon sa sulat ni Lorenzana kay UP President Danilo Concepcion, nakasaad na ang desisyong pagputol sa kasunduan ay dahil sa mga natanggap nilang ulat na may mga komunistang nanghihikayat diumano sa mga estudyante ng naturang unibersidad na sumapi sa kanila.


Noong November, 2020, pinabulaanan ni UP Vice-President for Public Affairs Dr. Elena Pernia ang mga alegasyong ito.


Samantala, pahayag pa ni Lorenzana, "The Department of National Defense only wants what is best for our youth. Let us join hands to protect and nurture our young people to become better citizens of our great nation.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page