top of page
Search
  • BULGAR
  • Dec 10, 2023

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | December 10, 2023




Hinarang ng masasamang tao ang kotseng sinasakyan ng kanyang mga magulang matapos itong magpunta sa isang orphanage para mag-donate. Hindi lang mga magulang niya ang kasama sa trahedya na iyon, dahil maging ang mga magulang ni David ay kasama rin du’n. Matalik na magkaibigan kasi ang kanilang mga magulang. 


“Iwanan mo na lang kaya ako rito?” Nag-aalalang sabi niya kay Mark. 


“At bakit ko naman gagawin iyon?”


“Baka kasi hulihin ka ni…”


“Wala naman akong masamang ginawa. Hindi rin naman sapat ang ebidensyang sinasabi ng kaibigan mo.”


Malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan. “Ewan ko nga ba kung bakit ganu’n ang sinabi ni David.”


“Nagseselos kasi siya.”


Noon lang din niya naisip na nanliligaw nga pala sa kanya si David. Hindi naman kasi niya iniisip na may gusto ito sa kanya. Mas gusto niya kasi itong maging kaibigan. Hindi rin niya mai-imagine na nakikipagyakapan at nakikipaghalikan siya rito. 


Hindi man sila magkadugo, pero nakakadiring isipin iyon. Tinuturing niya na kasi itong parang kapatid. Kaya para sa kanya, maituturing na incest iyon. 


“Puntahan na natin ang mga madre,” wika niya. 


Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang bilog na bilog ang buwan. Lalo tuloy dumagundong ang kanyang dibdib. 


“Bakit?”


“Full moon ngayon.”


“Eh, ano naman?” Nagtatakang tanong nito sa kanya. 


“Naalala ko sa tuwing bilog ang buwan, may namamatay. Tulad ng…” 


“Ng ano?”


“Full moon din noong namatay ang aming mga magulang.”


Kumunot ang noo ni Mark sa sobrang pagkalito. “Ano bang gusto mong sabihin?”


“Puntahan na muna natin sila,” wika niya habang nag-aalala para sa mga madreng nasa loob ng kumbento. 


Sa kanyang isipan may boses na nagsasabing, “kasalanan ng mga taong iyon kung bakit namatay ang ating mga magulang. Kung hindi nila pinapunta sa orphanage ang ating mga magulang, buhay pa sana sila ngayon.” galit na galit na sabi ng batang si David. 



Itutuloy…


 
 

ni Sister Isabel del Mundo - @Mga kuwento ng buhay at pag-ibig | December 10, 2023


Dear Sister Isabel,


Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan gayundin ang inyong pamilya at mga kasamahan d’yan sa Bulgar. 


Isa akong lesbian pero hindi halata dahil napakaganda ko umano. Walang nakakaalam ng lihim ko, kundi ako lang, maski ang mga magulang ko ay wala ring alam. 


Ang problema ay nahihirapan na akong itago ang tunay kong pagkatao. Gusto ko nang malaman ng lahat na ako ay isang tomboy. Ano ang tamang diskarte para hindi mabigla ang mga mahal ko sa buhay at iba pang taong nakapaligid sa akin?


Hihintayin ko ang payo n’yo.

 

Nagpapasalamat, 

Baste ng Batangas

 

Sa iyo, Baste,


Sa panahon ngayon, tanggap na ng lipunan ang kagaya mo. Sa palagay ko ay mauunawaan ka rin ng mga taong nakapaligid sa iyo lalo na ng parents mo. Lumantad ka na upang lumuwag na ang pakiramdam mo, at para gumaan na rin ang pamumuhay mo. Huwag kang mag-alala sa sasabihin ng ibang tao sa iyo. Ang mahalaga nagpakatotoo ka sa sarili mo, at lumagay ka sa tamang landas ng buhay. 

 

Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo

 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | December 9, 2023




Shhhh….” 

 

Hindi alam ni Mark ang tamang salita na dapat niyang hagilapin. Basta kailangan niyang maiparamdam kay Maritoni na mahal niya ito. Wala naman kasi sa plano niya ang mahalin ito, pero ‘yun ang nangyari. 

 

“Puwede bang yakapin mo na lang muna ako?” Malambing na sambit ni Maritoni. 

 

Pinagbigyan niya ito. ‘Yun naman talaga ang gusto niyang gawin, ramdam niya kasi ang bigat na mayroon sa dibdib nito. 

 

“Sana makatulong sa’yo.”

 

Napangiti si Maritoni sa sinabi ni Mark. Pakiwari niya ang salita nito ay may kakayahang magtago ng negatibong pakiramdam. 

 

“Parang magiging okey lagi ang pakiramdam ko kung lagi mo akong yayakapin,” wika niya. 

“Ganu’n ang gawin natin,” wika niya. 

 

“Magpakasal na tayo,” wika nito. 

 

Ang plano lang sana niya ay mapalapit nang husto kay Maritoni para malaman niya kung ano ang iniisip at nararamdaman nito. Ibig din niyang malaman ang mga plano nito. Kahit na sinasabi nitong isa siyang agent, hindi pa rin buo ang ipinapakilala ni Maritoni sa kanya. Kaya, nagdesisyon siyang pasukin ang buhay nito para mas makilala niya ang dalaga. 

 

“Seryoso ka?” 

 

“Kaya nga pinagtagpo tayo ng tadhana, para magmahalan habambuhay.” Sagot niya habang nakatitig kay Maritoni.  “Nasaan ang parents mo?”

 

“Ha?”

 

Kumunot ang noo niya, at para bang bigla itong nailang sa kanya. 

 

“Bakit?”

 

“Pinatay sila.”

 

“Ha?”

 

Alam niyang ibig magtanong ni Mark, pero hindi niya alam kung paano ito sasagutin kaya idinaan na lamang niya sa pag-iyak na para bang kapag ginawa niya iyon ay mabubuhay muli ang kanyang mga magulang. 

 

Itutuloy…

 

 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page