top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 5, 2024



Ayaw paniwalaan ni Via ang mga sinasabi sa kanya ni Nhel Zamora. Nakatitiyak kasi siyang isang malaking kalokohan iyon, at wala rin sa tipo ni Nhel ang mainlab, baka nga mas ibigin pa nito ang pera kesa sa kanya.


Ang nakikita niya sa mga mata nito ay matinding galit. Ngunit, tiyak niyang hindi lang ang malaking utang ng Tatay Pedro niya ang dahilan noon. “Maniwala ka man o hindi, kasal na tayo,” anito.


“Hindi ko naman nakakalimutan iyon,” matabang niyang sagot. Ayaw niya kasing isipin nito na pinahahalagahan niya ang kanilang kasal.


“Very good.”


“So, ano ang dapat kong gawin?” Pagtatanong nito.


“Maligo ka palagi.” Walang anumang sabi nito.


Parang gustong umusok ng ilong ni Via sa sinabi ni Nhel, gayunman palihim niyang inamoy ang kanyang sarili.


“Hindi naman ako mabaho ah?!” Inis niyang sabi rito.


Kahit hindi siya nakaharap sa salamin, alam niyang ang pulang-pula na ang kanyang mukha. Paano ba naman kasi ay napahiya siya.


Marahang tawa naman ang pinawalan ni Nhel at sabay sabing, “Pero, hindi ka mabango tulad ng iba.”


“Hayaan mo, wala akong gagawin maghapon kundi maligo at maglagay ng sangkaterbang pabango. Siguro naman ay masisiyahan ka na roon?”


“Very good.”


“So, palagi mo na lang akong aamuyin?”


Napangisi ito sa sinabi niya na para bang may kung anong naglalaro sa kanyang utak. “Hindi lang pag-amoy ang gagawin ko.”


“Bastos!”


“Ang sarap talagang mag-asawa ng virgin, sulit ang P5M na utang ng Tatay Pedro mo.”


Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 4, 2024



“Hayaan mo siyang mahalin ka niya nang husto, para madurog ang puso ng peke niyang ama,” mariing sabi ni Nhel sa kanyang sarili habang nakatitig sa kanyang asawa.


Tunay ang kanilang kasal, kaya nararapat lang na tawagin niya itong asawa. Saka may nangyari na rin naman sa kanila ni Olivia Castro - Zamora.


Ilang minuto na natapos ang paghalik niya kay Via, pero nanatili pa rin itong tulala. Para tuloy gusto niyang isipin na siya talaga ang first kiss nito dahil kahit ilang beses na niya itong hinalikan ay hindi pa rin ito marunong tumugon.


“Gusto niya bang halikan ko ulit siya?” Sarkastikong tanong niya sa sarili.


Hindi niya kasi dapat kalimutan na hindi naman talaga sila magkarelasyon. Kung tutuusin ay binili niya lang ito at pinakasalan para makapaghiganti.


“Hindi mo naman dapat ginagawa sa akin ito, ah,” wika ni Via.


“Walang masama sa ginagawa natin. Mag-asawa na tayo.”


“Pero, hindi naman tayo nagmamahalan.”


“Magagawa rin kitang mahalin.”


Marahas na buntong hininga ang pinawalan ni Via sabay titig kay Nhel.


“Hindi mo ako maloloko, alam ko kung anong gusto mong gawin. Pero ipapaalala ko sa iyo, hindi mo ako mapapaikot.”


Itutuloy…


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Marso 3, 2024



“Fore?” Marahang tanong ni Via sa kanyang sarili.


Ayaw niya kasing paniwalaan na tatagal sila ng panghabambuhay. Hindi naman kasi sila tunay na nagmamahalan. ‘Yun mga taong tunay ngang nagmamahalan ay naghihiwalay din, sila pa kaya?


“Hindi ka naniniwala?” Tanong nito


“Hindi.”


Marahang tawa ang pinawalan nito na para bang sinasabi na iyon nga ang mangyayari. ‘Di niya alam kung bakit parang ang sakit isipin na maghihiwalay silang mag-asawa.


“Mag-asawa?”


“Gugustuhin mo pa bang magkahiwalay tayo?” Naghahamon tanong ni Nhel.

“Hindi ko pa masasagot ‘yan. Saka may boyfriend...”


“Hindi na importante ‘yun dahil hindi mo naman na mababago ang katotohanan na ako ang unang lalaki sa buhay mo at hindi ako papayag na may susunod pa.”


Madidiin ang bawat bitaw nito sa mga salitang iyon kaya naman parang gusto

niyang isipin na seryoso ito sa sinabi.


“Ikaw ba, magiging tapat ka sa akin?” Naghahamong tanong ni Via kay Nhel.

“Depende.”


Kumunot ang noo niya. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit ganu’n ang sinagot nito. Ah, hindi nga pala siya nito mahal, ang nais lang nito ay mabayaran ang utang ng kanyang Tatay Pedro.


“Sa ayaw at sa gusto mo kailangan maging tapat ka.”


“At kung hindi?” Naghahamon niyang tanong.


“Iiyak ako,” nagbabanta nitong sabi, kaya naman kumunot ng todo ang kanyang noo. Para kasing may kakaiba siyang naaaninag sa ginawa nito.


Sabi ng utak niya ay huwag niyang paniwalaan ang mga ginagawa nito dahil pinapasakay lamang siya nito.


“Hindi ka naniniwala?”


“Yes.”


Ngunit biglang nagsalubong ang kilay nito, papansinin pa sana niya ito pero nawalan na siya ng panahong magsalita dahil inangkin na nito ang kanyang labi, at laking gulat niya na walang sabi- sabing tinugon niya rin ang halik nito.


Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page