top of page
Search

ni Lolet Abania | May 6, 2021



ree

Isang senior citizen ang namatay habang nasa 180 kabahayan ang natupok matapos sumiklab ang sunog sa Davao City, kagabi.


Kinilala ang 84-anyos na biktima na si Diosdada Alferez.


Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Davao City, nagsimula ang sunog sa tirahan ng isang Charice Acupiado sa isang residential area sa Barangay Tibungco dakong alas-10:00 ng gabi nang Miyerkules.


Itinaas sa ika-5 alarma ang sunog habang naapula ang apoy alas-2:34 ng madaling-araw ngayong Huwebes.


Ayon pa sa BFP, isang nakasinding kandila ang naiwan na naging sanhi ng sunog.


Tinatayang nasa P630,000 ang halaga ng napinsala dahil sa sunog.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 17, 2021



ree

Patay ang dalawang itinuturong holdaper dahil sa panghoholdap ng cellphone at P720 mula sa isang babae sa Sitio Glabaca, Barangay Lizada Toril, Davao City, batay sa isinagawang hot-pursuit operation ng Toril Police Station kagabi, Abril 16.


Ayon sa ulat, ikinasa ng mga awtoridad ang operasyon matapos makilala ng biktimang si Julie Ann Panganiban ang mga holdaper na sina Napoloeon Butuan at Warren Gayak.


Salaysay pa ng mga awtoridad, nang matunton nila ang kinaroroonan ng dalawa ay bigla umanong bumunot ng baril si Napoloeon at nagsimulang magpaputok, subalit nakaiwas ang pulis.


Samantala, ang kasama naman nitong si Warren ay kumuha umano ng katana saka sinugod ang isa pang pulis. Sa huli’y napabagsak din nila ang dalawang holdaper.


Kaagad naman nilang dinala sa Davao Mediquest Hospital ang mga nabaril na holdaper ngunit idineklarang dead on arrival.


Narekober sa crime scene ang .38 revolver, mga basyo ng bala, isang katana at ilang personal na gamit. Naibalik din kay Panganiban ang nanakaw niyang cellphone at pera.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 30, 2021



ree

Dumating na sa Davao City International Airport ang karagdagang 7,200 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines, ayon sa Department of Health XI ngayong umaga, Marso 30.


Batay sa ulat, umabot na sa mahigit 60,000 doses ng Sinovac at AstraZeneca ang kabuuang bilang na kanilang natanggap, kung saan tinatayang 28,350 frontliners na ang nabakunahan ng unang dose sa 166 vaccination sites sa iba't ibang bahagi ng Davao region.


Giit pa ni Mayor Sara Duterte-Carpio, "Of course dili na siya okay. Giingnan na nato atong vaccine cluster to strictly follow the priority list, especially kanang 1A ug 1B kay mao na siya ang mu-cover sa mga frontliners."


Aniya, sinabihan nila ang vaccine cluster head na istriktong sundin ang mga nasa priority list, partikular na ang 1A at 1B na prayoridad mabakunahan. Sa ngayon ay maaari na ring pumunta ang ibang residente sa distrito at barangay health centers para sa pre-registration ng mga nais magpabakuna.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page